4,832 guests

Coco, gusto si Liza habang ‘itinatago’ pa rin si Julia

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 964
Julia Montes, Coco Martin and Liza Soberano Julia Montes, Coco Martin and Liza Soberano

MUKHANG may posibilidad na magkatambal sina Coco Martin at Liza Soberano.

Alam ng lahat na ka-loveteam ni Liza si Enrique Gil pero there will come a time na ipapareha rin sila sa iba para hindi sila pagsawaan.

Nagpahayag ang “Ang Probinsyano” star na gusto niyang makatrabaho si Liza bagay na ikinakilig naman ng dalaga.

Samantala, hanggang ngayon ay tahimik pa rin si Coco pagdating sa kanyang lovelife  kahit persistent ang pagkaka-link niya sa “Doble Kara” star na si Julia Montes.

Speaking of Julia, marami ang nagtaka kung bakit ito lumipat ng talent management company (from Star Magic to Cornerstone) considering na hindi naman siya pinababayaan ng kanyang (dating) talent management company.

Gaano kaya katotoo ang balita na kaya raw ito ginawa ni Julia dahil hindi umano niya o nila (ni Coco Martin) maamin sa publiko ang kanilang totoong relasyon dahil ipinagbabawal umano ito ng Star Magic?
   
Still on Julia, tila may race sila ni Coco Martin sa patagalan sa ere ng kanilang magkahiwalay na serye – “FPJ’s Ang Probinsyano” kay Coco at “Doble Kara” naman kay Julia.
   
Parehong top rating ang separate TV series nina Coco at Julia kaya ito’y patuloy na nai-extend sa ere pero magtatapos na umano ang dalawang serye pagpasok ng taong 2017.
   
Kahit tinanggap ng publiko ang tambalan nina Coco at Julia sa seryeng “Walang Hanggan” in 2012, hindi sila naging dependent sa isang loveteam at nakatayo sila on their own.
   
Kung totoong sila na, napakagaling nilang magtago ng relasyon.

ERIC, DALAWA ANG ‘KATAUHAN’

KUNG si Eric Quizon ay actor sa pelikulang “Mano Po 7: Chinoy” na pinagbibidahan ni Richard Yap under Regal Films na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide simula sa darating na December 14, director naman siya sa isang kakaibang travel show-reality show with a cause, ang “Happy Life” na magsisimula nang mapanood sa ere on December 11 (Sunday) sa ganap na ika-9:30 ng umaga on GMA News TV.
   
Ang “Happy Life” ay produced ng White Lion Media Productions with Kim Singson, anak ng prominent businessman-politician na si G. Chavit Singson, as president
   
Eric admits na pareho niyang gusto ang kanyang pagiging actor at director.  Magkaibang level at challenge ang kanyang nararamdaman.
   
“Kapag actor ka, naka-focus ka lang sa character na ginagampanan mo at sa mga ka-eksena mo.  Sumusunod ka sa gusto ng director.  Kapag ikaw naman ang director ng isang project, you’re in control of everything,” ani Eric nang ito’y aming makausap sa media launch ng “Happy Life” na ginanap sa Gloria Maris in Geenhills, San Juan a couple of days ago.
   
Ayon kay Eric, sobra siyang nagi-enjoy sa pagdidirek ng “Happy Life” dahil napaka-professional ng White Lion Media Productions at maging ng mga beauty queen/model hosts na sina MJ Lastimosa, Janie Herrell, Guilia Zahar, Sophie Rankin at Anthea Murfet. Ibang klase ring emosyon ang kanilang nararamdaman sa tuwing nakakatulong at nakakapagbigay-saya ang programa  sa mga taong nangangailangan.
   
“More than the beautiful places and the beautiful hosts ng “Happy Life,” ang pinaka-ultimate goal ng programa ay `yung makatulong at makapagbigay saya,” pahabol ni Eric na malapit nang maging Golden Boy on January 20, 2017.
   
Pero bakit pabata nang pabata ang hitsura ni Eric sa halip na tumanda?
   
“Happy life kasi,” natatawa niyang pahayag.

VIC, INAMING MAS MALAKAS ANG VG-COCO MOVIE

HINDI man kasing lakas ng movie nina Vice Ganda at Coco Martin ang pelikulang pinagbidahan ni Vic Sotto, ang “Enteng Kabisote 10 & the Abangers” na magkatulong na dinirek nina Marlon Rivera at Tony Y. Reyes, masaya pa rin ang mga producer ng pelikula dahil patuloy din  itong tumatabo sa takilya ang pelikula.
   
Sa kinita ng dalawang magkahiwalay na pelikula nina Vice Ganda at Coco at Vic Sotto, napakalaking halaga itong nawala sa kaban ng Metro Manila Film Festival.
   
As in the previous years, more or less ay 70% ang kontribusyon ng pinagsanib na kita ng mga pelikula nina Vic at Vice Ganda sa MMFF na ngayon pa lamang ay marami na ang nag-aabang sa kahihinatnan ng 2016 MMFF.
   
May mga nagsasabi na baka hindi umano umabot sa kalahati ang kikitain this year ng MMFF kung ikukumpara sa kinita nito noong isang taon.

CHAVIT, ‘KUMUPIT’ SA ISANDAANG KUMPANYA

MAHIGIT isang daang kumpanya ang pag-aari ng successful businessman-politician na si Chavit Singson.
   
Inamin sa amin ni G. Chavit na humugot umano siya ng pera sa halos lahat ng kanyang kumpanya para lamang mabuo ang mahigit US $12-M na kailangan niyang ibayad sa pamunuan ng Miss Universe Organization para lamang matuloy ang mounting ng Miss Universe (sa ikatlong pagkakataon) sa Pilipinas sa darating na January 30, 2017 sa SM MOA Arena.
   
Sa kabila nito, para umano siyang dumaan sa butas ng karayom para lamang matuloy ang pagsasagawa sa Pilipinas ng Miss Universe pageant.
   
“Ang mahalaga ay tuloy na,” pakli ng dating gobernador ng Ilocos Sur.

SIX YEAR OLD ACTOR, MARUNONG NANG UMASA

UMAASA ang six-years-old child star na si Alonzo Muhlach na matuloy na ngayong 2017 ang kanyang launching movie sa bakuran ng Viva Films.
   
Napabalita noon na gagawin ni Alonzo ang isa sa mga box office hit movies noon ng kanyang amang si Nino Muhlach, either ang “Butsoy” o “Kwatog” na parehong pumalo nang husto sa takilya.
   
Si Alonzo ay isa sa mga tampok sa pelikulang palabas ngayon, ang “Enteng Kabisote  10 & the Abangers” na pinagbibidahan ni Vic Sotto.
   
Sa pagpasok ng taong 2017 ay mapapanod din si Alonzo sa kids edition ng “Your Face Sounds Familiar” kung saan siya nakatakdang makasama ang ibang child stars tulad nina Lyca Gairanod, McNeal `Awra’ Briguela at iba pa.