5,401 guests

Gerald at Bea, ‘exclusively dating’ pa rin ang status!

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 416

NAIKUWENTO pala ni Jessy Mendiola kay Luis Manzano, her current boyfriend, ang tungkol sa torrid kissing nila ni Enchong Dee sa pelikulang Mano Po 7: Chinoy. 

Nangako raw si Luis na panonoorin ang pelikula.

The film produced by Regal Entertainment, would have marked Jessy’s first na makasama sa isang Metro Manila Filmfest (MMFF) entry. ’Di niya inililihim na looking forward sana siya to the Parade of Stars na ginaganap the day before the film event.
   
But as a common knowledge, Mano Po 7 failed to make it to the Magic 8 ng MMFF.
   
Mano Po 7 on the other hand, will be shown as a pre-MMFF movie at ipapalabas ito on December 14.
   
The film, aside from Enchong, co-stars Jessy with Richard Yap, Jean Garcia, Jake Cuenca, the loveteam nina Janella Salvador at Marlo Mortel at child actress Jana Agoncillo.
   
Featured si Eric Quizon, na napasama na sa cast ng ilang Mano Po movie.

* * *

Meanwhile, exclusively dating pa rin ang description ni Gerald Anderson sa kung anumang relasyon mayroon sila ngayon ni Bea Alonzo.
   
Hindi pa ibinubunyag ng dalawa whether they’ll be spending Christmas together. And where?
   
Gerald has started taping for his new project Ikaw Lang Ang Iibigin, reuniting him with former ka-loveteam and girlfriend Kim Chiu.
   
Bea, we heard, will soon be doing a series, too, with Paulo Avelino.
   
Of Paulo, still showing in 200 theaters nationwide ang pelikula niyang The Unmarried Wife na ’di lang isang confirmed box-office hit, kung hindi patuloy ring nagga-gather ng magagandang reviews.
   
A Star Cinema presentation, The Unmarried Wife is directed by Maryo J. delos Reyes and also stars Dingdong Dantes and Angelica Panganiban.

* * *

Tungkol naman kay Angelica, marami ang nakakapunang despite her current success now as an actress, since napatunayan niyang she excels both in comedy (as proven sa kanyang Sunday gag show Banana Sundae) and drama (The Unmarried Wife, among others), waring hindi siya lubusang masaya.
   
Halata daw ito sa kanyang mga mata na waring may kakaibang lambong palagi. At kahit sa kanyang mga ngiti, na parang more of a smirk?
   
Ano nga kaya ang tunay na saloobin ni Angelica sa kasalukuyan.

* * *

Pokwang’s American boyfriend, Lee O’Brien appeared in a special role as groom to Francine Prieto in a wedding scene in the top series Till I Met You, which has Pokwang as a mainstay, together with the reel and real love team of James Reid and Nadine Lustre. Plus JC Santos, Carmina Villarroel, Zoren Legazpi, Kim Molina, Enzo Pineda and Angel Aquino.
   
Tanong lang, bakit sobrang overweight nga pala ni Francine ngayon?