6,572 guests

‘Marce’ patungong Negros Oriental

  • Written by Jun I. Legaspi
  • Published in Metro
  • Read: 198

MABILIS na tinatahak ng Bagyong Marce habang papunta sa direksiyon ng Surigao del Norte sa Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ala-una ng hapon kahapon, ang sentro ng Tropical Depression Marce ay namataan ng PAGASA sa layong 105 kilometro ng hilaga hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kph malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras.
   
Si Marce ay kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na 19 kph.
   
Bunga nito, nakataas ang signal no. 1 sa Luzon, partikular sa Romblon at Cuyo Island at sa Visayas sa Biliran, Southern part ng Samar, Southern part ng Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Bohol gayundin sa Surigao del Norte at Siargao Island sa Mindanao.
   
Ngayong umaga, si Marce ay inaasahang nasa bisinidad ng Jimalalud, Negros Oriental, at sa Sabado ay nasa layong 145 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Coron, Palawan.
   
Sa araw ng Linggo ay nasa layong 345 kilometro ng kanluran ng Iba, Zambales at sa Lunes ay nasa layong 540 kilometro kanluran ng Iba, Zambales.
   
Inaasahang nasa labas na ng ating bansa si Marce sa Martes.