5,018 guests

Bastos!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 680

Indie starlet, niratrat ng direktor at award-winning writer

MATAPOS lapastanganin si Mother Lily Monteverde ng indie starlet na si Mercedes Cabral at tawaging “f*cking idiot,” ang writer-director na si Manny Castañeda ang unang bumuwelta sa kanya.

“To Mercedes Cabral, whoever you are and whatever claim to fame you have in the industry… just a word of warning… beware of hubris.”

Ang meaning ng hubris kung sakaling wa knows ng indie starlet, “excessive pride or arrogance.”
   
Kasunod naman nito ang award-winning writer na si Senedy Que na sa Facebook account naman niya inilabas ang hagupit sa indie starlet.
   
“Teka naman Mercedes… okay naman mag-express ng kuro-kuro… we are a free country. But to be disrespectful to a particular person, especially an icon who has produced some of the best all-time Filipino movies and call her a ‘f*cking idiot’ -- kay yabang naman!” bahagi ng post ni Senedy.
   
Suportado ni Sen ang 2016 MMFF kahit hindi siya lubos na sumang-ayon sa resulta.
   
“I was there on the first day of Thy Womb a few years ago. I was there (and defended the film) when Honor Thy Father was an entry last year.
   
“Lahat ba kayo na nagcha-champion ng pagbabagong ito ay nanood (?) at sumuporta? Where were all the indie fim supporters to make them big hits and send a clear message and uplift Philippine cinema?” bahagi pa ng post ng writer.
   
Napakapersonal kasi ng atake ng indie starlet kay Mother Lily kaya maraming buwisit sa kanya, huh!
   
Buti sana kung mabenta ang career niya. Eh, nagbuyangyang na nga siya ng kaluluwa sa ginawang indie film with Coco Martin, wala pa ring pinuntahan ang career niya, huh!
   
You don’t do that to Mother Lily, indie starlet! No, no, no, no, no!

* * *

GALING sa mainstream ang filmmaker na si Baby Ruth Villarama na gumawa ng documentary na Sunday Beauty Queen, isa sa official entries ng 2016 Metro Manila Film Festival.
   
Halos lahat kasi ng entries ay indie kaya batuhan nang batuhan ang pro-indie at anti-indie.
   
“Sa akin naman, walang difference ang mainstream at indie. I think it’s about time na huwag tayong maging exclusive. Let’s open the gate. Nandoon na, eh.
   
“Hindi naman kami affected. Nakasanayan na kasi na every year, nanonood tayo ng ganoong pelikula, maging ako. But sa akin, bigyan naman natin ng chance ang bagong filmmakers, producers to share their worth.
   
“It’s about time we open the gates. It’s about quality films. It’s about really good films, mabigyan ng share unless people are afraid. Pangit agad pero hindi pa nakikita. Panoorin muna bago mag-judge,” rason ni Baby Ruth.
   
Kuwento ng mga OFW sa Hong Kong ang Sunday Beauty Queen na sumasali sa beauty pageants na ginagawa roon.
   
Inabot ng four years bago nila natapos ang documentary and through the help of producers ng Heneral Luna, ang TBA, heto’t nakahinga na nang maluwag si Villarama at nagpapasalamat sa blessing na dumating sa kanila dahil sa 2016 MMFF.