4,972 guests

Dalubhasa sa pamumulitika, ang dilaw ng mukha n’yo!

  • Written by Allan Encarnacion
  • Published in Opinion
  • Read: 327

POLITICAL rival lang daw ang target ng Duterte administration sa kanilang kampanya laban sa droga, ayon kay Senator De Lima.

Bakit Madame, iyon bang namatay na mahigit 3,000 na suspected drug traffickers at users ay taga-Liberal Party at kumandidato ring Pangulo noong 2016? Hindi naman ’di ba?
   
May maituturo kaya si De Lima na kahit isang napatay na drug lord na political adviser o miyembro ng LP, ng NP, ng NPC at ng Lakas para sabihin niyang kalaban lamang sa pulitika ang target ng kampanya laban droga?
   
Kung halimbawang mayroon ngang taga-partido political na napatay, aamin naman ba ang sinuman sa kanilang mga kasapi na nasangkot talaga sila sa droga?
   
Ang problema ng Senadora, siya ang nakasalang sa nagbabagang isyu ng pagkakasangkot sa illegal drugs, kung sinu-sino ang kinakaladkad niya. Naghahanap ng damay kaya pati mga nanahimik na mga politiko ay nasasabit sa usapan.
   
Pero kung mayroon mang dalubhasa sa panggigipit sa mga kalaban sa pulitika, alam na alam ni De Lima iyan dahil bahagi siya ng Aquino administration na may doctorate sa pambebengga.
   
Iisa-isahin pa ba natin sina former Senator Bong, Jinggoy, Congresswoman Gloria, former Chief Justice Corona, Vice President Jojo Binay na pare-parehong grabe ang inabot na pamumulitika sa ilalim ng pangkat ni De Lima?
   
Kunsabagay, wala sigurong salamin sa opisina niya sa Senado kaya hindi niya nakikita ang kanyang sarili na bahagi ng grupong namulitika sa loob ng nakaraang anim na taon.
   
Hindi ba’t kaya walang narating ang bansa mula 2010 hanggang June 2016 ay dahil naging abala ang Aquino administration sa pang-uusig sa mga kalaban nila sa pulitika?
   
Pero sa kabilang banda, iyong mga kakampi, kabarkada, kapartido at kaklase na sangkot din sa mga katiwalian ay pinalusot ng kanilang selective justice na modus operandi?
   
Teka nga pala, bago niya sisihin si Pangulong Rody, hindi man lang ba ituturo ni De Lima sa kanyang mukha at kay Noynoy Aquino ang kanyang sampung daliri para aminin sa kanilang mga sarili na sila ang dahilan kung bakit grabe ang problema ng bansa sa illegal drugs?
   
Hashtag ang dilaw naman ng mukha n’yo!

* * *   

Congratulations pala sa Caloocan City government at kay Mayor Oca Malapitan na dalawang taong magkasunod na nakatanggap ng Seal of Good Governance mula sa DILG para sa taong 2015 at 2016.
   
Pambihirang pagkakataon na sa dalawang magkasunod na taon ay mabibigyan ng ganitong uri ng parangal ang Caloocan kaya binabati natin ang lahat ng department heads sa kanilang pagsasaayos sa lungsod.
   
Bukod sa masinop at maingat ang paggamit ng lungsod sa kanilang pondo, kapansin-pansin na malinis ang Caloocan at naisaayos nila ang matagal na problema sa trapiko, lalo na sa Edsa-Monumento Circle, Samson Road, Rizal Avenue at McArthur Highway na papasok ng Valenzuela.
   
Matindi rin ang kampanya ni Mayor Oca laban sa illegal drugs kaya mataas din ang bilang ng mga sumusuko at napapatay sa  anti-illegal drug operations.
   
Mula sa pagiging sentro ng krimen noong mga nakaraang administrasyon, ang Caloocan ngayon ang may pinaka-lowest crime rate sa National Capital Region.
   
Mabuhay ang Caloocan, keep it up Mayor Oca!

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.