6,904 guests

Mariel, napaaga ang panganganak

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 904
Mariel Rodriguez-Padilla Mariel Rodriguez-Padilla

NAPAAGA ang panganganak ng misis ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez-Padilla sa kanilang first baby na si Maria Isabella Rodriguez Padilla sa Amerika noong umaga (7:56 a.m.) ng Lunes, November 14, USA time. Hindi na nakaalis pa si Robin to be with his wife sa panganganak nito dahil hindi pa rin siya naisyuhan ng US visa dahil sa kanyang kaso noon ng illegal possession of firearms na pinagdusahan na niya sa New Bilibid Prisons sa loob ng ilang taon.

Wala man si Robin sa tabi ng kanyang misis sa oras ng panganganak nito, nakabukas ang kanilang komunikasyon at nakunan pa ng video ang paglabas ni Maria Isabella.

Pero sa kabila ng pagiging `maramot’ ng US Embassy sa pagbigay ng US visa kay Robin, wala tayong naririnig na anumang negatibong sinabi ng action star laban sa Amerika lalupa’t American citizen ang kanyang (ikalawang) misis na si Mariel at automatic ang pagiging American citizen ng kanilang unang supling.

Ganunpaman, natuwa na rin si Robin dahil safe and normal ang delivery ni Mariel at inaasahan niya ang kanyang mag-ina na babalik ng Pilipinas kapag may go-signal na ang OB-gynecologist ni Mariel na bumiyahe ang mag-ina.

NAPAKABATANG LOVETEAM, NILULUTO

MAHIRAP pantayan ang ABS-CBN kung pagbi-build-up ng mga loveteam ang pag-uusapan. Nariyan ang mainit na tambalan dati nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa, Jolina Magdangal at Marvin Agustin, Sandara Park at Hero Angeles, Kim Chiu at Gerald Anderson at maraming iba pa. Sa present generation, nariyan ang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang JaDine nina James Reid at Nadine Lustre, ang LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil habang unti-unti namang umuusbong ang tambalan nina Janella Salvador at Elmo Magalona, ang McLisse nina McCoy de Leon at Elisse Joson habang humahabol ang Bailona nina Bailey May at Ylona Garcia sa kasikatan ng loveteam.
   
At 14, masyado pang bata ang Fil-Brit na si Bailey at Fil-Aussie na Ylona na pumasok sa isang relasyon but they’re the best of friends now lalupa’t bini-build-up silang isang loveteam ng ABS-CBN. Nagsigawan ang kanilang mga fans sa Activity Center ng Market! Market! sa Bonifacio Global City ng Taguig sa isang event kamakailan nang yakapin nang mahigpit ni Bailey si Ylona matapos nilang kantahin ang kanilang duet song na “O Pag-ibig” na humakot ng award sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2016 including Best Music Video.
   
Sina Bailey at Ylona ay parehong naging bahagi ng PBB: 737 noong isang taon.

MMFF MAGIC 8, MALALAMAN NA SA BIYERNES
   
NGAYONG Biyernes (Nov. 18) pa umano ia-announce ang MMFF official entries ng pamunuan ng Metro Manila Film Festival na pinamumunuan ngayon ng bagong MMDA Chairman na si Thomas Orbos (na siyang humalili sa huling MMDA Chairman na si Emerson Carlos).
   
It was announced earlier na noong October 31, 2016 ang deadline ng submission ng finished products ng mga probable entries ng MMFF pero ito’y na-extend to November 2, 2016. Dapat sana’y noong nakaraang November 10, 2016 pa inanunsiyo ang official entries sa MMFF pero muli itong na-move to November 18 which leave the producers of the probable entries to hold their horses until the formal announcement is made.
   
Kung tutuusin, gahol na sa oras sa pagpu-promote ng mga pelikulang kalahok but everyone has to work double time kapag nakapasok ang kanilang respective film entries. Wala namang magiging problema ang Star Cinema kung saka-sakaling pumasok ang entry nila Vice Ganda and Coco Martin-starrer because they have their own TV and radio network. Ang kawawa rito ay ang ibang entries na walang promo outlet.
   
Tapos na ang deliberation ng selection committee at formal and final announcement na lamang ang kailangan.
   
Samantala, kung noong mga nakaraang taon ay ginaganap ang Gabi ng Parangal ng MMFF tuwing ika-27th ng December, ngayon ay gaganapin ito on January 8, 2018 para hindi maimpluwensiyahan ng mga winner ang kanilang mga pelikula sa box office.
   
Mawawala na rin ang Best Child Actor Performer award at ito’y papalitan ng Children’s Choice award. Kaya ang nanalong Best Child Performer noong nakaraang taon na si Krystal Brimmer (ng “Honor Thy Father” ) ang magiging huling Best Child Performer awardee ng MMFF.
   
Magkakaroon din ng bagong karagdagang award ang MMFF, ang People’s Choice Award.
   
Ang makakapasok sa Magic 8 ng MMFF ay ibabase sa criteria ng Cinematic Attributes and Technical Excellence (40%), Story, Audience Appeal, Over-all Impact (40%), Global Appeal (10%) at Filipino Sensibility (10%), a total of 100%.
   
Sa pagkakaalam namin, 27 entries ang pumasok sa deadline set by MMFF pero walo lamang dito ang makakapasok sa Magic 8 ng ika-42 na taon ng Metro Manila Film Festival.

TV SHOW NI KRIS, MATUTULOY NA
   
MATULOY pa kaya ang one-on-one interview ng dating Presidential daughter and sister na si Kris Aquino kay Pangulong Rodrigo `Digong’ Duterte na hindi nakasipot sa GoNegosyo Forum sa Davao City noong nakaraang Biyernes, November 11?
   
Hindi umano nakadalo si Pangulong Duterte sa nasabing okasyon dahil sa tight ng kanyang schedule at inatake umano ito ng migraine kaya humingi ito ng dispensa. Pero nangako umano si Pangulong Duterte sa organizer ng GoNegosyo Forum na si G. Joey Concepcion na sisikapin nitong makarating sa susunod nilang event.
   
`Epic snub’ ang taguri ni Kris sa hindi pagsipot ni Pangulong Duterte sa kanilang much anticipated and planned interview.
   
Better luck next time, Krissy.

Speaking of Kris, matutuloy na umano ang nabalam nitong TV show sa bakuran ng GMA sa time slot ng TAPE, Inc. na siyang producer ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” na pinamumunuan ni Mr. T. (Antonio P. Tuviera) na siya ring pinuno ng APT Entertainment at Triple A Magement.
   
Sa ngayon, ang nakikita naming slot na malamang okupahan ni Kris ay ang pre-programming ng “Eat Bulaga” na okupado ngayon ng “Trops” TV series na produced din ng TAPE, Inc. o ng APT Entertainment.
   
Although sa GMA ito mai-air, hindi ito produced ng Kapuso Network kundi ng kumpanya ni Mr. T. na siyang bagong manager ngayon ni Kris.