5,697 guests

Color coding ipapasa ng Cavite SP

  • Written by Dennis Caparas Abrina
  • Published in Provincial
  • Read: 482

PROVINCIAL Capitol, Trece Martires City -- Nakatakdang ipasa ngayong araw na ito sa plenaryo ng Sangguniang Panglalawigan ang color-coding scheme sa pangunguna ni Vice Governor at presiding officer Jolo Revilla, kasama ang mga bokal sa pitong distrito ng lalawigan.

Nakatakdang masolusyunan ang matinding  daloy trapiko sa naturang lalawigan lalung-lao na sa major roads ng Cavite ayon sa panukala ni Cavite 1st district Board Member Gilbert Gandia, chairman ng committee on transportation and communications.
   
Nagkaroon ng public hearing at consultation noong Biyernes (Nov. 11, 2016) na dinaluhan ng mga representante ng bawat lungsod at bayan at transport sector para sa proposed Traffic Ordinance 016 ng Sangguniang Panglalawigan.
   
Ayon sa nasabing ordinansa na halos kahawig ng ‘Unified Vehicular Reduction System (UVRS)’ ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ipatutupad ang traffic scheme sa major thoroughtfares ng lalawigan.
   
Nakatakdang ipatupad ito sa kahabaan ng Aguinaldo Highway mula Bacoor City patungong Tagaytay City; Molino Road mula Molino Boulevard hanggang Paliparan, Dasmariñas City; Centennial Road mula Kawit hanggang Tejero, General Trias City; at Governor’s Drive mula Carmona hanggang Trece Martires City. 
   
Nakasaad sa panukalang batas na magiging bawal nang lumabas ang mga plate number na 1-2 tuwing Lunes, 2-4 Martes, 5-6 Miyerkules, 7-8, Huwebes, 9 at 0 sa Biyernes sa oras na 6 a.m. hanggang 9 a.m. at 3 p.m. hanggang 7 p.m. Lunes hanggang Bi-yernes.
   
Magiging bawal nang lumabas ang mga truck, private car o van o motorsiklo maliban sa PUV/PUJ, ambulansya, fire trucks, police patrol cars military vehicles, red-plate vehicles, delivery ng perishable goods, sasakyan ng mga medical practitioners na higit na kailangan at lehitimong school buses o service vehicles.