4,989 guests

Galit!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 595
Oyo & Kristine Oyo & Kristine

Itinuloy sa party ang paggawad ng Papal Award kay Ai-Ai delas Alas last Saturday na nataong birthday din niya. Ito na ang pinakamasayang birthday ni Ai-Ai at most memorable gift na natanggap ang Papal Award at ang malaking Mama Mary na bigay sa kanya ng love niyang si Gerald Sibayan at anak na si Sancho Vito at GF nito.

Star-studded ang paggawad ng Solemn Investiture of the Pro Ecclesia et Pontifice Award kay Ai-Ai sa presence nina Sharon Cuneta, Nova Villa, Jose Manalo, Wally Bayola, John Lapus, Alden Richards, Erik Santos, KrIs Lawrence, Arnel Ignacio, Erik Salud, Director GB Sampedro, Bo Sanchez, pero ang special guest ay ang adoptive mother niyang si Justa na  nagpalaki at nag-aruga sa kanya.

“Humbling experience” kay Ai-Ai ang Papal Award, pero walang nabago sa kanya at sabi nito, tao siya at hindi santa at magkakamali pa rin. Gawa ni Maxi Cinco ang damit niya at sa January 2017 ang punta ni Ai-Ai sa Vatican to see Pope Francis.

* * *

Nakakaloka ang bashers nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa, galit na nadagdagan ang anak ng dalawa. Dependent daw ang mag-asawa sa pera ni Vic Sotto at hindi nagtatrabaho si Oyo at pati ang business nito, galing pa rin kay Vic.

Personal ang tira kay Kristine dahil pati parents nadamay. Nag-dare sila ni Oyo na makipagkita sa kanila ang bashers. Sinabi ni Oyo kung saan siya makikita.             “Sabihin n’yo lahat ang galit n’yo sakin at ikukuwento ko sa inyo ang story ko. Hindi kasama asawa  ko. Ako lang at hindi ako inutil. Baka ikaw.”
   
Sobrang unfair kay Oyo ang akusasyon dahil nagtatrabaho ito, may TV show, may movie at owner ng restaurant. Saka kaya nila ang maraming anak, bakit ba? 

* * *

Aliw ang pagpapakilala ni former Tacloban City Mayor Alfred Romualdez sa kanya at mga pinsang sina former Senator Bongbong Marcos at former Leyte Cong. Martin Romualdez sa Tacloba-nons sa speech sa commemoration ng third year ng Yolanda.
   
Sabi ni Alfred, pare-pareho silang  unemployed na magpipinsan at ang misis nila ang may trabaho. Ang asawang si Cristina Ro-mualdez ang mayor ng Tacloban ngayon, si Rep. Yedda Romualdez ang pu-malit kay Martin sa pu-westo niya at lawyer ang misis ni Bongbong.
   
Nakatutuwang tingnan na hindi pumapapel si Alfred kay Kring Kring at ipinapakita sa mga Taclo-banons na ang asawa na ang mayor ng Tacloban at hindi na siya. Payag din ito sa title niyang “Sweetie of Tacloban.”
   
Samantala, sabay sa commemoration ng third year ng Yolanda ang unveiling ng book cover ng libro tungkol sa nangyari sa Yolanda titled The Yolanda Documentary. Magkaka-sama sa stage sina Mayor Kring Kring, Rep. Yedda at Alfred nang ipakita ang magiging cover ng libro.

* * *

Kung ibabatay sa teaser na inilabas ng GMA-7 sa apat na leading men ni Barbie Forteza sa bagong show, hindi pala lahat ay foreigner. Dalawa ang Pinoy at kung tama kami, sila ay sina Ken Chan at Jak Roberto. Kilala agad ang dalawa kahit isang mata lang ni Ken at lips lang ni Jak ang ipinakita sa parang poster.
   
Ang dalawang foreigner ang mahirap hulaan dahil bangs at kilay lang ang nakita. Ang isa, ang very prominent jaw ang nasilip. May mga pangalan na kaming narinig kung sino sila at kukumpirmahin namin.
   
Hindi pa nag-taping si Barbie sa bago niyang show to be directed by LA Madridejos, kaya focus muna siya sa studies niya. Pumapasok na siya sa University of Perpetual Help sa Biñan, Laguna at enrolled sa Bachelor of Arts in Psychology.

* * *

Mamaya na after 24 Oras Weekend sa GMA-7  ang pilot ng Tsuperhero na bida si Derrick Monasterio. Alter ego niya rito si Miggs Cuaderno, kaya pareho silang naka-costume ng superhero na biro ng fans, mala-sapin-sapin ang kulay.
   
Balot na balot si Derrick sa kanyang costume, hindi masilip ang fit nitong katawan at ang ipinagmamalaking biceps. Pinaghandaan ni Derrick ang role niyang isang  superhero by working out at nag-diet.
   
Si Bea Binene ang leading lady ni Derrick sa Tsuperhero, klik sila rito, hindi na kailangang palabasing nagkaka-inlaban sila for the ratings dahil okay na silang magka-loveteam. Ang cute ng mga bangayan scene nila.

* * *

Ang cast ng top rating programs ng GMA Network ang cover ng November issue ng Kapuso Magazine. Cover ang cast ng Encantadia, si Michael V para sa Pepito Manaloto, Jessca Soho para sa Kapuso Mo, Jessica Soho, Tom Rodriguez at Lovi Poe ng Someone To Watch Over Me at Dingdong Dantes ng Alyas Robin Hood.
   
Featured din ang new shows ng network gaya ng Hahamakin Ang Lahat at Tsuperhero. Feature sa Citizen Kapuso ang partnership ng GMAKF at Air Asia at sa Kapuso Abroad, ibinalita ang show ni Ai-Ai delas Alas sa Texas.