5,131 guests

Kris, inisnab ni Pres. Duterte

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 393
Kris Aquino Kris Aquino

“Epic snub” ang term ni Kris Aquino sa nangyaring pagkakaudlot ng kanyang one-on-one interview with Pres. Rodrigo Duterte last Friday sa GoNegosyo Forum sa Davao City.

Nag-post si Kris sa kanyang Instagram account kahapon kung saan ay inamin niyang “epic snub” talaga ang naganap pero nagpasalamat naman siya sa mga netizen na nagpakita ng suporta sa kanya.

“Humble & realistic enough to admit it was an epic snub -- but learning so much from @beyonce. #Lemonade??#GoNegosyo2016AngatLahat.

“(P.S. To all of you: my family, friends, and compassionate netizens -- group hug tayo? Thank you for showing me love & appreciation,” ang post ni Kris na nilakipan din ng  links ng artikulo na pinupuri siya sa ginawa niyang paghu-host sa open forum.

In fairness to Kris, hindi pa rin kumukupas ang husay niya bilang TV host. Nagawa niya talagang buhayin ang event kahit hindi sila sinipot ni Pres. Duterte sa pamamagitan ng funny remarks and comments niya na wala sa script.

Pinuri rin ng marami ang kanyang ganda na sabi nga niya ay talagang pinaghan-daan niya since bukod sa makakaharap niya si Di-gong supposedly, ito rin ang comeback niya sa TV ma-tapos ang ilang panahong pamamahinga.

* * *

Kahit wala si Angelica Panganiban sa 8th anniversary presscon ng Banana Sundae, pinuri-puri naman siya ng co-stars niya sa nasabing gag show lalo na nga’t siya ang pinaka-pioneer sa kanilang lahat.
   
“Ang unang-unang gusto ko sa ugali ni Angelica, ’yung pagiging prangka,” sabi ni Pokwang. “Rekta ’yung batang ’yun, eh. Rekta siya. ’Pag tala-gang nasaktan ka, so prob-lema mo na ’yun.
   
“At saka ’yun, talagang hindi ka niya titigilan hangga’t hindi mo ino-open sa kanya kung ano talaga ’yung nararamdaman mo. Very concerned siya sa feelings ng bawat isa. Maalaga, sobra.
   
“Kung sino ’yung wala pa, talagang ano siya, ‘ano’ng nangyari? Bakit wala pa?’ Nag-aalala siya sa bawat isa sa amin. Ganu’n si Angelica.
   
“Kaya ’pag minahal mo siya bilang kaibigan, kumbaga, masusuklian niya ’yun nang mas higit pa sa inaasahan mo. Iba ’yung Angelica, ang gaan katrabaho, sobra.”
   
Say naman ni John Prats, wala raw ka-diva-diva attitude si Angelica na porke’t siya ang nauna sa Banana Sundae ay mas star na siya.
   
“Like nu’ng pagpasok namin, kahit naman siguro sina JC (de Vera) nu’ng pumasok din, ganu’n din siya, eh, niyakap niya pagpasok. Hindi ’yung mararamdaman mo na ‘matagal na ako rito, hoy teka lang, diyan ka muna.’ Talagang gusto niya kasama ka sa pamilya.
   
“Saka very generous siya, hindi lang sa amin -- sa lahat. Like ’pag may birthday sa amin, like si Rona or kahit na sino, mga EP (executive producer) namin, ganyan, ’pag may birthday, may gift ’yun na personalized pillow, blanket. Lahat ’yun nakalista. ’Yung mga small thing na ganu’n na talagang mamahalin mo sa kanya,” sey ni John.
   
Pahayag naman ni Pooh, “si bakla (Angelica), what you see is what you get. ’Yun na siya. Mamahalin mo siya kung ano siya. Mamahalin ka rin niya kung ano ka magtrato sa kanya. ’Yon ’yun. Ganu’n siya. Ganu’n si bakla.”
   
Si Jobert Austria naman ay sobrang thankful kay Angelica sa sinabi nitong handa nitong ibuwis ang buhay para sa kanya.
   
“Maraming salamat sa kanya (Angelica). Marami ang hindi nakakaalam pero lagi kaming magkasama nu’n, eh. Marami kaming mga napag-uusapan, hindi sa showbiz  pero bilang magkaibigan,” sabi ni Jobert.
   
Kahit wala si Angelica sa presscon, of course ay kasama raw ito sa 8th anniversary concert ng Banana Sundae na Banana Sund8: The 8th Anniversary Special na gaganapin sa Kia Theater ngayong Nov. 17.
   
“Actually, kaya wala siya ngayon, nagri-rehearse po siyang mag-isa,” pagbibiro ni Pooh.