5,125 guests

Kakaibang birthday gift for Ai Ai

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 527
Ai ai De las Alas Ai ai De las Alas

HINDI makalilimutan ng comedy queen na si Ai-Ai de las Alas ang kanyang ika-52 birthday dahil sa kakaiba at very memorable na regalo ang kanyang tinanggap, ang Pro Ecclesia et Pontifice Award (Papal Award) na nagmula pa sa Santo Papa na itinaon mismo sa kanyang kaarawan kahapon, November 11.

Ang Papal awarding ay ginanap sa Cathedral of Good Shepherd Church along Regalado Avenue in Novaliches, Quezon City na dinaluhan ng pamilya ni Ai Ai at malalapit na kaibigan in and out of the industry.

Sa kabila ng pagiging isang komedyana ni Ai Ai, may busilak itong puso sa pagtulong sa simbahan laluna ang pagpapatayo ng Kristong Hari Church.

Super proud kay Ai Ai ang kanyang tatlong anak na sina Sancho, Sofia at Nicolo at maging ang kanyang kasintahang si Gerald Sibayan. Kaya naman magagandang blessings ang patuloy na dumarating sa kanya.

Bukod sa Papal Award, pinag-uusapan din ang kanyang bagong indie movie, ang “Area”.  May dalawa rin siyang regular TV programs sa GMA, ang musical-comedy na “Sunday PinaSaya” at ang weekly sitcom nila ni Vic Sotto na “Hay, Bahay!”.  At kung papalarin, may probable MMFF movie pa siya sa bakuran ng Regal Films, ang “My Mighty Yaya”.
   
“God is good all the time!,” bulalas ni Ai Ai.

ANNOUNCEMENT NG MMFF MAGIC 8, NAURONG

NAURONG na naman ang formal announcement ng MMDA at ng MMFF officials tungkol sa mga pelikulang makakapasok sa 2016 Metro Manila Film Festival na inasahang ia-announce last Thursday, November 10.  Bitin tuloy ang mga producer na umaasang makapapasok ang kani-kanilang entry sa MMFF.
   
Sa December 25 na magsisimula ang MMFF at ito’y magtatapos on January 7, 2017.
   
Since naiba na ang mga panuntunan ng bagong pamu-nuan ng  MMFF, hindi pa tuloy makagalaw at makapag-ingay ngayon ang mga producer dahil hindi nila alam kung pasok o hindi ang kanilang mga pelikula.

MGA PROBABLE MMFF ENTRY

LIMA na magkakahiwalay na pelikula ang probable entry ng Regal Films sa 2016 Metro Manila Film Festival – ang “Mano Po 7: Tsinoy,” “Our Mighty Yaya,” “Shake, Rattle & Roll 16,” “ Pwera Usog” at ang “Pagpag 2: Ang Larawang Kupas”.  Dalawa naman ang entries ng APT Entertainment dahil co-producer sila sa dalawang pelikula, ang “Enteng Kabisote 10 & the Abangers” na pinabibidahan ni Vic Sotto at ang “Die Beautiful” na nagpanalo kay Paolo Ballesteros bilang Best Actor sa katatapos pa lamang na Tokyo International Film Festival.
   
Apat ang producers ng “Die Beautiful” na dinirek ni Jun Robles Lana. Bukod sa APT Entertainment, co-producer din ang Hong Kong Film Financing Forum, TheIdea First Company at October Train Films.  Co-producer naman ang APT Entertainment ng Vic Sotto-starrer na “Enteng Kabisote 10 & The Abangers” along with OctoArts Films and M-Zet Film Production na magkatulong na dinirek nina Tony Y. Reyes at Marlon Rivera.
   
Ang iba pang entry ay ang “Ang Babae sa Septic Tank 2” na pinagbibidahan ni Eugene Domingo, ang “Super Parental Guidance” (na sa pagkakaalam ko ay pinalitan na ng titulo) na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Coco Martin and joint venture ng Star Cinema and Viva Films mula sa direksiyon ni Joyce Bernal.  Nariyan din ang “Mang Kepweng Returns” ng Cineko Productions na pinagbibidahan naman ni Vhong Navarro with Jaclyn Jose, Kim Domingo and a host of others.
   
Kapag nakalusot ang “Pagpag 2: Ang Larawang Kupas,” tiyak na matutuwa ang fans ng KathNiel dahil sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang mga pangunahing bituin nito na dinirek ni Frasco Santos Mortiz for Regal Films.
   
Iisa naman ang genre ng mga pelikulang “Enteng Kabisote 10” ni Vic Sotto, ang “Our Mighty Yaya” ni Ai-Ai de las Alas, ang “Super Parental Guidance” nina Vice Ganda at Coco Martin at ang “Mang Kepweng Returns” ni Vhong Navarro.  Pare-pareho namang horror ang tema ng “Shake, Rattle & Roll 16,” “Pwera Usog” at “Pagpag 2: Ang Larawang Kupas”.
   
There are quite a number of other probable entries pero walo lamang sa mga ito ang pipiliin para sa Magic 8 ng MMFF.
   
Kasalukuyan pang nagdi-deliberate ang selection committee ng MMFF kung aling mga pelikula ang kanilang pipiliin para sa 8 official entries.
   
Samantala, kapag nai-announce na ang walong pelikulang kalahok sa MMFF, tiyak na paspasan ang promo ng respective movies at kasama na rito ang kabi-kabilang press conferences  and promo activities ng bawat pelikula.

INTERVIEW NI KRIS KAY PRES. DIGONG, INAABANGAN

SINCE nagpaalam na ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa Kapamilya Network na naging tahanan niya sa loob ng 20 taon, at tila malabo pa ang kanyang pagbabalik-Kapuso (GMA), malamang na sa Kapatid Network o TV5 na muling mapanood ang dating presidential daughter at sister at ina nina Joshua at Bimby.
   
Inaabangan na ang one-on-one interview ni Kris sa kasalukuyang pangulo na si Pres. Rodrigo `Digong’ Duterte, ang humalili sa kanyang nakatatandang kapatid na si dating Pangulong Benigno `Noynoy’ Aquino.
   
Ang exclusive interview ni Kris kay Pangulong Duterte ay mapapanood umano sa TV5 at PTV-4. Samantala, ano na kaya ang nangyari sa isang episode na na-tape na ni Kris supposed to be for her pilot show sa GMA na produced ng APT Entertainment ni G. Tony Tuviera na siya ring big boss ng TAPE, Inc., producer ng longest-running noontime show sa bansa?
   
Si G. Tuviera pa rin kaya ang tumatayong bagong business manager ni Kris (except for product endorsements na hawak ni Boy Abunda)?
   
Hanggang ngayon ay marami pa ring mga katanungan ang naghihintay ng kasagutan sa panig ni Kris na hindi pa rin nagbibigay ng detalye na may kinalaman sa kanyang pagbabalik-telebisyon.

Si Kris ay nagpaalam sa ABS-CBN last March para sa kanyang “Kris TV” na kailangang magpaalam na rin sa ere dahil kailangan niya ng much-needed rest due to health reasons.
   
Nang mawala sa ere ang “Kris TV,” ito’y pinalitan ng “Magandang Buhay” nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.  Luckily for ABS-CBN, nagri-rate ang programa.
   
When Kris was ready for her TV comeback, balitang walang time slot na maibigay sa kanya kaya lumapit kay G. Tony Tuviera, big boss ng Triple A Management, APT Entertainment at TAPE, Inc. for help.  Iniwan ni Kris ang matagal na niyang tumatayong manager na si Deo Endrinal, isa sa mga business unit heads ng ABS-CBN at head ng sarili niyang produksiyon, ang Dreamscape TV Entertaiment.
   
Marami ang nagsasabi na `what Kris wants, she gets’ pero mukhang not this time. In fairness to Kris, she is her own person and can stand on her own but one can’t be at the top forever.
   
Tama ba kami,  Eugene Asis? (Except for Mt. Everest, I guess.--Ed.)