5,266 guests

B-day gift

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 512

Kris, binigyan ng P50,000 check donation si Ai-Ai

PANGGULAT ang post ni Ai-Ai de las Alas sa Instagram account niya kahapon. Komo birthday niya bukas, November 11, nakatanggap siya ng dalawang regalo.

Una, dawalang Minnie Mouse na fave cartoon character ng Comedy Queen. 

Pangalawa, tseke mula kay... Kris Aquino, huh!
   
Pero hindi para kay Ai-Ai ang check na ’yon mula kay Kris. Para ’yon sa Kristong Hari Church, ang simbahan sa Fairview na tinutulungan ni Ai na ma-renovate.
   
Caption ni Ai sa IG, “Thank you very much MS SUSAN CO OF PUREGOLD para sa gift ko wohoooo cute… and MS KRIS AQUINO sa gift nya saken na donation for KRISTONG HARI CHURCH… GOD BLESS BOTH OF YOU MORE AND MORE!”
   
Siyempre, tuwang-tuwa ang komento ng followers ni Ai. Umaasa silang muling mababalik ang friendship nila ni Kris.
   
Eh, alam naman ng tao ang signature ni Kris kaya hindi na ’yon itinago pa ni Ai.
   
At least, may rhyme, ’di ba? Ang donation ni KRIS ay para sa KRIStong Hari Church.
   
Lambing ni Ai, ’yung pupunta bukas sa pagtanggap niya ng Papal Award sa Regalado Church ay dapat magregalo rin ng donation para sa Kristong Hari, huh!
   
Advance happy birthday, Ai-Ai and congratulations on your Papal Award! (Happy birthday, Ai, and congrats! -- IFF)

* * *

KASALI na ang seksing aktres na si Kim Domingo sa selebrasyon ng 21st anniversary ng GMA gag show na Bubble Gang.
   
Mula sa konting exposure sa programa, napansin si Kim at nabigyan ng malalaking break sa GMA shows.         Juan Happy Love Story ang pinakahuli.
   
Isa rin kasi si Kim sa atraksyon ng gag show, lalo na kung nagpapasilip siya ng alindog sa ilang gags, huh!
   
“Hindi ko akalaing magiging bahagi ako ng Bubble Gang at kasama pa sa 21st celebration nito. Sa show kasi ako nag-grow. Dito ako nakita ng tao as Kim.
   
“Binigyan din ako ng warm welcome, lalo na ni Kuya Bitoy, so, nakaka-inspire,” rason ni Kim.

* * *

NAGKAGULO ang mga sosyal nang magkaroon ng special screening ang The Escort last Tuesday night sa isang sinehan sa Greenbelt.
   
Sponsored ni Dr. Vicki Belo ang screening kaya socialites ang karamihan ng nanood, huh!
   
Pero keber nila sa estado nila sa buhay. Lumabas ang pagiging fan nila nang makita sina Christopher de Leon at Derek Ramsay.
   
Nawala ang poise nila dahil sa kilig nang akbayan sila nina Boyet at Derek sa picture, huh!
   
Sa one week showing ng The Escort, more than P40M na ang kinita nito’t inaasahang madadagdagan pa ngayong nasa second week of showing na ang Regal movie.