6,313 guests

Miss U Pia Wurtzbach, isa sa lucky charms ni Pacquiao

  • Written by People's Journal
  • Published in Showbiz
  • Read: 553

NAGBUNYI na naman ang buong Pilipinas sa pagkapanalo ni Sen. Manny Pacquiao bilang bagong WBO Welterweight champion laban kay Jessie Vargas ng Amerika noong Linggo.

Kapansin-pansin ang mga bagong personalidad na sumama kay Pacman sa ring bago ang laban. Naroon si reigning Miss Universe Pia Alonzo-Wurtzbach na todo-ngiti sa pagbibigay-suporta sa fighting senator. Kapuna-puna rin ang presence ni PNP Chief Ronald  'Bato'  dela Rosa at ilang senador at congressmen.

Siyempre pa, naroon si dating Ilocos Sur Governor Luis 'Chavit' Singson na simula't sapul ay supporter na ni Pacman.
   
May nagsasabi na naging lucky charm ni Pacman si Pia dahil 'yun ang unang pagkakataon na sumuporta siya sa Pambansang Kamao sa laban nito. Bumiyahe pa mula New York si Pia para lamang sa laban ni Pacquiao.
   
Tiyak namang nag-usap muli si Pia at Gov Chavit para sa gagawing Miss Universe pageant sa Pilipinas sa Enero. Muntik na itong 'di matuloy (sa kadahilanang ayaw ihayag ng Miss U Organization), pero sa sobrang pagsisikap ni Pia at Gov. Chavit, tuluy na tuloy na ito.
   
Samantala, masasabing lucky charm din ni Manny ang kanyang ina na si Mommy Dionisia na tapos na ang laban ay dasal pa rin nang dasal.

T.O.P. tagumpay ang unang major concert

MATAGUMPAY na idinaos ng 30th PMPC Star Awards for Music Group of the Year na T.O.P. (Top One Project) ang kanilang pinaka una at sold-out concert na pinamagatang T.O.P. in Concert sa Music Museum. Pinatunayan ng grupong binubuo nina Adrian Pascual, Joshua Jacobe, Louie Pedroso, Mico Cruz at Miko Manguba  ang kanilang kakayahan bilang performers.
   
Mula sa genre ng RNB, Pop Rock at hanggang sa mga jukebox hits noong 90’s ay gumawa sila ng sarili nilang bersyon na ikinabilib ng mga manonood. Kinilig at nakisabay din ang kanilang fans nang kantahin nila ang Paggising at Alaala, dalawa sa mga paboritong kanta sa kanilang self-titled album sa ilalim ng GMA Records.
   
Guest ng T.O.P. ang Kapuso bombshell na si Kim Domingo na kasabay nilang kumanta ng ‘Closer’ ang kantang pinasikat ng EDM Duo na The Chainsmokers. Sumama rin sa kanila sa stage ang Rock N’ Soul diva na si Aicelle Santos at ibinirit ang mga pinasikat na kanta ng OPM rock band na Aegis.

Tsuperhero, mapapanood na sa Nobyembre 13

NGAYONG Nobyembre 13, siguradong ibang klaseng viewing experience ang hatid ng GMA Network sa kanilang loyal Kapuso viewers sa pagsisimula ng pinakabagong Pinoy superhero comedy adventure na Tsuperhero.
   
Ito ay tungkol sa kakaibang adventures ni Nonoy, na gagampanan ni Derrick Monasterio, isang jeepney driver na naging superhero dahil sa isang misteryosong bagay mula sa ibang planeta.
   
Malaki ang pasasalamat ni Derrick sa GMA 7 dahil sa kanya pinagkatiwala na gampanan ang karakter ni Nonoy. "It is my first time to portray a role like this na isang superhero. Nakakakaba talaga siya pero at the same time nakaka-challenge din kaya mas pagbubutihan ko po talaga yung trabaho ko. Nakaka-flatter din po kasi dahil ako yung napili ng GMA to portray this role. So I have to work hard for this project."
   
Mas magiging makulay ang kanyang buhay dahil sa hindi niya inaasahang pagmamahal para kay Eva, na ginagampanan ni Bea Binene, isang barker na naiinis, pero at the same time natutuwa, sa asal-kalyeng pag-uugali ni Nonoy.
   
Makakasama nila sa programang ito ang respected actor na si Gabby Concepcion bilang si Sgt. Cruz, ang ninong ni Nonoy na isang pulis; Alma Moreno bilang si Aling Martha, ang half-blind at mapagmahal na nanay ni Nonoy;  Albert "Betong" Sumaya bilang si Julius, isang kriminal na pag-iinitan ni Tsuperhero; Philip Lazaro bilang si Mang Pedi, ang may-ari ng karinderya na tinatambayan ni Nonoy; Miggs Cuaderno bilang si Bok, alien na nagbigay kay Nonoy ng kanyang powers; Valentin bilang si Polding, ang cook sa karinderya ni Mang Pedi; Annalyn Barro bilang si Anna, ang probinsyanang pamangkin ni Mang Pedi na naging kaibigan ni Nonoy;  Jemwell Ventenilla si Choy, ang batang kalye na palaging nangungulit kina Nonoy at Eva; Kuhol bilang si Mong, ang tsismosong cigarette vendor.
   
Ang Tsuperhero ay mula sa orihinal na konsepto ni Kapuso comedy genius Michael V.
   
Sa ilalim ng direksyon ni Direk LA Madridejos, mapapanood na ang makulit na adventures ni Tsuperhero simula ngayong Nobyembre 13 sa GMA Sunday Grande.