4,838 guests

Relasyong Aljur-Kylie, seryosohan na!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 732

Halos hindi na naghihiwalay sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla mula nang magkabalikan noong September. Pero sa bakasyon lang nila sa Japan sila naging open at panay ang post ng pictures sa socmed. Mas marami nga lang pinu-post na picture nila ng GF si Aljur.

Pati sa panonood ng laban ni Sen. Manny Pac-quiao, magkasama ang dalawa at sa bahay ni Aljur sila nanood. Mukhang mas seryoso ang relasyon ng dalawa ngayon at mas open sila.

Hindi  kami sigurado kung si Aljur ang nagsulat ng verse na “My light at every end of all tunnels,” “The HOT to my cold,” “Bigger half of my whole,” “A Yin to my Yang,” “The H to my O2,” o pinost lang niya. But it sums up his relationship with Kylie now.
   
Samantala, nag-pictorial na sina Aljur at Janine Gutierrez ng Relationship Goals sa Usapang Real Love. Si Kylie naman ay tuluy-tuloy ang taping ng Encantadia na balita namin ay extended hanggang February 2017.

* * *

Sabi ni Barbie Forteza, may trust issues siya kaya Bachelor of Arts in Psychology ang kurso niya sa University of Perpetual Help System Laguna. Through psychology, malalaman niya kung talagang sincere ’yung tao o baka niloloko lang siya.
   
Papasok si Barbie sa second semester at kahit malayo sa bahay nila sa Commonwealth ang school sa Biñan, Laguna, hindi ito problema sa kanya. Excited nang pumasok at maging college student si Barbie.
   
Papasok ang problema kapag nagsimula nang mag-taping si Barbie ng primetime show niya na kung saan, apat ang leading men niya. Nagpa-audition ang GMA-7 sa leading men ni Barbie kasama ang foreigners. Si LA Madridejos ang director ng primetime show na wala pang title.
   
Nabanggit pala ni Barbie sa isang interview na mahirap silang maging friends ng ex-boyfriend niyang si Kiko Estrada dahil may issue silang hindi nalutas bago sila nag-break. Ang feeling tuloy namin, sagot ni Kiko kay Barbie ang post nitong “Fake Love” na title ng isang kanta dahil sa hashtag na #LSS.”

* * *

Sa November 13 na ang airing ng Tsuperhero  na bida si Derrick Monasterio. Excited at sobrang masaya ang aktor sa project dahil ibig sabihin, malaki ang tiwala sa kanya ng GMA-7 at the same time, pressured din siya dahil kailangang matawa ang viewers at mag-rate ang show gaya nang pinalitan nitong Ismol Family.
   
May costume si Derrick bilang si Tsuperhero at biro nito, na-conscious si Bea Binene at nang unang labas niyang naka-costume, hindi ito makatingin sa kanya nang deretso. Pero wala raw makikitang bukol sa kanya dahil may ipitang nangyari.
   
Gawa sa latex ang costume ni Derrick at noong kausap namin, wala raw siyang spare costume dahil ’yung isang costume ay gamit ng double niya. Mainit ’pag suot niya, pero wala siyang reklamo lalo’t show ang kapalit.
   
Samantala, si Alma Moreno ang gumaganap na ina ni Derrick sa Tsuperhero, parang nanay daw niya ang aktres na ka-batch at BFF ng ina niyang si Tina Monasterio. Balak ni Derrick na isama minsan sa taping ang ina para magkakuwentuhan sila ni Alma.

* * *

’Kakatuwa ang reaction ni Oyo Sotto sa bashers nila ng asawang si Kristine Hermosa na  bagong panganak. Sagot ni Oyo, “Haters... eto oh, bigyan ko kayo ng cactus.”
   
Pinuna kasi ng haters at bashers na sunud-sunod ang anak si Kristine na para bang sa kanila humihingi ng pera si Oyo para sa kanyang pamilya. 
   
Isinilang ni Kristine ang fourth baby nila ni Oyo at pinangalanang Marvic Valentin Sotto II noong November 5. Kapangalan ito ni Vic Sotto.

* * *

Tuesday sa Alyas Robin Hood, ni-request ni Sarri (Megan Young) na makita si Pepe (Dingdong Dantes), sa rooftop sana sila magkikita. Pumunta nga sa rooftop si Sarri at sa likod niya sa ilalim ng shadow, naroon si Robin Hood, kaya hindi mapakali si Sarri at feeling niya nasa likod niya si Robin Hood.
   
Hahaplusin sana ni Robin ang mukha ni Sarri, pero aabutan sila ni Chino (Anthony Roque) na may baril. Dadalhin ni Pepe si Sarri sa madilim na lugar at patatakasin, maiiwan sa rooftop sina Pepe at Chino at maglalaban ang dalawang Robin Hood.
   
Hindi makagalaw si Pepe dahil walang dalang pana, pero lalaban pa rin at tatalsik pa nga si Chino sa ledge ng building at tutulungan ni Pepe. Noong nasa rooftop na uli si Chino, saka siya sasapakin ni Pepe.