6,001 guests

Paulo, tikom sa bagong idini-date

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 484

PAALIS na sana si Paulo Avelino pagkatapos ng The Unmarried Wife presscon pero nagpaunlak pa siya ng short interview sa ilang members of the entertainment press.

Of course, tungkol sa napapabalitang bago ni-yang karelasyon ang inusisa namin. Ayon sa binata, totoong nakikipag-date siya ngayon.

“Yeah, I’m dating... I’m currently  dating.  But I won’t give any specifics,” sabay tawa niya.

Si Natasha Villaroman ba ang kanyang idini-date?

“Tasha? She’s a friend and huwag na natin siyang idamay, please,” pakiusap niya.
   
Eh, ano ang reaksyon niya na nakikita na sa social media at showbiz blog na magkasama silang dalawa?
   
“Yeah, pero huwag na muna natin siyang idamay. Kasi, kawawa naman ’yung tao, wala siya sa industriya natin. At alam mo ’yon? Baka maapektuhan din pati pamilya niya,” pakiusap ulit niya.
   
Dagdag pa niya, “It’s nice to see people also and make you realize na malaki ang mundo.”
   
Kelan ba siya huling nakipag-date?
   
“Hindi ko nga maalala pero dumating ’yung motor ko mga May… Simula nu’ng May pa ako napapasaya ng motor ko,” paiwas niyang sagot sa amin.
      
In love ba siya ngayon?
   
“In love ako sa motor ko at sa trabaho,” pag-iwas ulit niya sa tanong.
   
Humirit ulit kami ng tanong kung gusto ba niyang isekreto na lang ang kanyang love life since puro naman paiwas ang mga sagot niya sa amin?
   
Sabi niya, “Parang hindi ko nga alam kung mangyayari pa ’yan sa buhay ko ngayon. Alam n’yo ’yon, ayaw ko lang pangunahan ’yung mga haka-haka o mga lumalabas na (balita).
   
“Siyempre, gusto rin naman nating lahat ng tahimik na buhay, pero ayoko lang na may mga nadadamay at mga naapektuhan na… O baka may maapektuhan sa hindi magandang paraan,” paliwanag ng actor.
 
Alin ba ang takot siyang maapektuhan, ’yung binubuo ba nilang relasyon?
   
“In general ’yon,” natatawa niyang sagot.
   
Samantala, ano ang reaksyon niya na among Kapamilya actors ay masuwerte siyang palaging nabibigyan ng projects sa TV man o movie?
   
“Actually, nagugulat nga rin ho ako, eh, kung bakit ganito ako ka-blessed ngayon. I think, ’yung dedication and passion ko sa work ang dahilan kung bakit ngayon nandito ako at hanggang ngayon nako-consider ako sa proyekto dito sa ABS at pati sa pelikula na rin,” paliwanag ng aktor.
   
Palabas na sa Nov. 16 ang  The Unmarried Wife na pinagbibidahan din nina Angelica Panganiban at Dingdong Dantes.