6,570 guests

Interbyu ni Kris kay Duterte sa TV5 at PTV 4 ilalabas!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 722
Kris Aquino Kris Aquino

Pasabog ang pagbabalik sa TV ni Kris Aquino dahil ang iinterbyuhin niya ay si President Rody Duterte at magaganap ito sa November 11, 4:30 p.m. Ang isa pang pasabog, sa TV5 at sa People’s Television PTV 4 mapapanood simulcast ang one-on-one interview ni Kris sa Presidente na tinawag na Kris at Duterte.

Post ni Kris sa Instagram (IG): “7 months of not hosting on TV. I promised myself, babalik ako for a once in a lifetime, one on one interview. #Davao #11112016.”

Dahil sa hashtag na Davao, parang sa Davao magaganap ang interview at ang gustong malaman ng fans ni Kris ay kung live ang interview niya kay Pres. Rody. Pero live o  hindi, excited na silang muling mapanood si Kris sa TV.

Tinanong si Kris kung ibig bang sabihin nito ay sa TV5 siya lilipat at hindi sa GMA-7 gaya nang nabalita? Hindi pa sumasagot si Kris.

* * *

Balik-Vigan sina Lovi Poe para sa taping ng Someone To Watch Over Me at sa isa niyang post, may picture sila ni Ronald Singson na kanyang ex-boyfriend. Sabi ni Lovi, nag-drop by lang daw si Ronald. Pinost din ni Ronald ang picture nila ni Lovi at mas maganda ang caption niya na “Look who decided to visit Vigan! May The Escort na ako, may Someone To Watch Over Me pa ako.”
   
Masaya si Lovi dahil kumikita ang The Escort at nabanggit ni Direk Maryo J. Delos Reyes na extended up to January 2017 ang STWOM  na dapat this November na ang ending. Matagal pa kung ganu’n silang mapapanood ni Tom Rodriguez at ikatutuwa ng viewers ng teleserye.
   
Ang ganda ng next episodes ng STWOM,  paghahandaan ni TJ (Tom) ang time na hindi na niya makikilala ang anak. Sa tulong ni Joanna (Lovi), ibe-video ni Tom ang bonding nila ng anak para paglaki nito, may mapapanood. Also, pumasok na rin sa soap si Cogie Domingo na gugulo sa pagsasama nina TJ at Joanna.

* * *

Bagong dagdag na cast sa Encantadia si Janine Gutierrez sa role ni Agua, ang kambal diwa ni Alena. Siya ang nakahanap kay Alena at tutulungan niya itong bumalik sa pagiging Sang’gre pagkatapos mag-transform na pagong.
   
Kahit guest role lang ang gagampanan, masaya pa rin si Janine dahil fan siya ng fantaserye at nag-audition siya sa 2016 version, hindi nga lang napili. Ngayon, kasali na siya sa cast, kaya thankful siya.
   
“Nagulat lang ako sa costume medyo sexy, nanibago ako at na-pressure. Sexy din naman ang costumes ng mga Sang’gre at ibang cast,” wika ni Janine.
   
Sunud-sunod ang projects ni Janine, bukod sa Encantadia, tampok sila ni Aljur Abrenica sa Relationship Goals episode ng Usapang Real Love at kasama siya sa pelikulang Pastor  ni Phillip Salvador na entry sa MMFF.

* * *

Masaya ang Team Alyas Robin Hood sa patuloy na pagtaas ng nationwide ratings ng action series na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes. Based ito sa datos ng  Nielsen TV Audience Measurement sa ratings sa National Urban TV Audience  Measurement (NUTAM).
   
“I’m happy with how the audience likes the show. Para sa kanila naman talaga ito. We make the show as incredible as possible for them,” pahayag ni Dingdong.
   
Samantala, mamaya sa Alyas Robin Hood, pinayuhan ni Judy (Jaclyn Jose) si Pepe (Dingdong) na magpakita na kay Sarri (Megan Young). Susundan ni Pepe sina Sarri at Dean (Sid Lucero) sa isang event na pinarangalan si Dean.
   
Tinawag ni Dean si Sarri na samahan siya sa  stage at hahalikan nito si Sarri na makikita ni Pepe. Tuloy sa pagde-deny ang manager ng bangko na may kinalaman siya o si Wilson (Dennis Padilla) sa nawalang pera sa bangko.
   
Sa November 16 naman ang showing ng Star Cinema movie na The Unmarried Wife na tinatampukan ni Dingdong kasama sina Paulo Avelino at Angelica Panganiban sa direction ni Maryo J. Delos Reyes.