4,852 guests

15 minutong pahinga kada 2 oras para sa salesladies!

  • Written by Bernadette E. Tamayo
  • Published in Nation
  • Read: 240

GUSTO ni Senador Nancy Binay na magkaroon ng batas kung saan kinakailangang bigyan ng mga department store at i­ba pang mga es­tablilshment ang kanilang sales­ladies ng 15 minutong pahinga kada da­lawang oras ng tuluy-tuloy na pagtatrabaho.

Ipinile niya ang Senate Bill No. 1173 na naglalayong amiyendahan ang  Labor Code sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga operator ng malls, stalls, at katulad na mga establisimyento na bigyan ang mga babaing kawani na nakatalaga sa ‘sales’ ng  15-minutong pahinga sa bawat dalawang oras na walang tigil sa ‘sale’ at ‘store operations.’

Ang binabalak na ‘rest period’ ay bukod sa kanilang ‘meal breaks,’ sabi ni Binay. Isinusulong niya ang naturang batas “in consideration of the physical toll of continuous standing on women personnel.”
   
“Equality for both men and women is a vital aspect for the development of a nation,” sabi ni Binay.
   
Pero ang batas ng kalikasan ay nililimitahan ang kababaihan ukol sa kanilang pisikal na kalagayan, lakas, kapasidad at ibang bagay, aniya.
   
“Admittedly, the male specie is sturdier, more tolerant when put up against punishing demands of physical employment,” sabi niya..
   
“This situation is evident in shopping malls, department stores and contractor stalls that require their sales person to suffer work in standing position for long periods of time,” sabi ni Binay.