4,737 guests

CBCP tutulong sa nasalanta ni ‘Lawin’

  • Written by Mia B. Billones
  • Published in Metro
  • Read: 190

Tutulong ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care sa panga-ngailangang medikal at pangkaisipan ng mga napektuhan ng Bagyong Lawin sa Hilagang Luzon. 

Ayon kay Rev. Fr. Dan Cancino MI, executive secretary ng Komisyon at pinuno ng Camillian Task Force sa bansa, magtutungo sa Isabela at Tuguegarao ang kanilang grupo para magsagawa ng medical mission at psycho-social support sa mga biktima ng bagyo.
   
“Mayroon tayong medical intervention sa mga bata, sa mga nanay, lalo na sa mga buntis and of course sa mga elderly,” pahayag ni Fr. Cancino.
   
Dagdag ng pari, nais nilang tutukan ang “water sanitation and hygiene” o WASH sapagkat ang kapabayaan dito ay nagdudulot ng pagkakasakit at problemang medikal sa mga survivors ng kalamidad.
   
Isa rin aniyang suliranin ngayon ang pscho-social effect ng bagyo sa mga biktima lalo na sa mga nawalan ng mahal sa buhay at mga ari-arian.
   
“Meron tayong pscho-social intervention dahil based on our experience sa Ondoy, Sendong, Pablo at Yolanda...,” ani Fr. Cancino.
   
Kaugnay nito, maaari din makipag-ugnayan sa Camillian Task Force ang mga nais magbahagi ng tulong para sa medikal na pangangailangan ng mga naapektuhan ng bagyo.
   
Bukas din ang kanilang Metro Bank savings account para sa in-cash donations; account name: Salutee Sviluppo, Phils, Inc. account number: 093-7093519970 Swift code: MBTCPHMM