6,025 guests

Flawless

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 531

Angelica, napanganga kay Dingdong

Ini-release na ng Star Cinema ang first trailer ng Unmarried Wife starring Angelica Panganiban, Paulo Avelino and Dingdong Dantes na idinirihe ni Maryo J. delos Reyes at ang dami na agad nagandahan.

Nang huli nga naming makausap si Dingdong nang bisitahin namin siya sa set ng Alyas Robin Hood, excited na ang aktor sa pelikula at aniya, ito na raw yata ang pinakaseryosong movie na nagawa niya.
   
“Seryoso siyang pelikula. Pinakaseryosong pelikula na nagawa ko ’to. Wala siyang halong sexy, I mean, kung meron man, hindi ’yon ’yung mamamayagpag,” say ni Dong.
   
So, hindi sila daring ni Angelica dito?
   
“Hindi ganu’n ’yung direksyon ng pelikula, eh. Siguro, ang magiging daring, ’yung emosyon.”
   
Ang huling ginawa ni Dingdong sa Star Cinema ay One More Try with Angelica pa rin at aniya ay mas daring daw ito kaysa sa Unmarried Wife.
   
“Eto, talagang magpu-focus sa relationship drama,” he said.
   
Natutuwa rin ang aktor na makasama ulit si Angelica na isang mahusay na aktres, pati na rin si Paulo na napakagaling din na aktor plus ang husay din ng direktor nila.
   
Samantala, in Angelica’s latest interview ay puring-puri niya rin naman si Dingdong at aniya, ang laki raw ng difference ngayon sa pag-arte ng aktor at napapanganga raw siya talaga ngayon kapag umaarte ito.
   
Papuri pa ni Angelica kay Dingdong, sobrang flawless daw ng acting na ipinakita ng aktor at marahil daw ay napakalaki ng naitulong ng pagkakaroon nito ng masaya at tahimik na buhay ngayon.

* * *

Nakahinga na nang maluwag si Direk GB Sampedro dahil umabot sa deadline of submission sa Metro Manila Film Festival 2016 ang pelikula niyang Mang Kepweng Returns na pinagbibidahan ni Vhong Navarro and produced by Cineko Productions.
   
Nov. 2 ang deadline ng submission at natapos na nila ang movie noong October 28.
   
“Actually, maaga pa (kami) sa deadline,” sabi ni Direk GB nang makausap namin siya sa pocket press-con niya last Friday.
   
“Ang unang deadline kasi is (October) 31, tapos, biglang nag-move sila ng (Nov) 2. Although nu’ng time na 31 pa ang deadline, ako ang tinitingnan ko na is 28, eh. Para makapagbakasyon,” pahayag ni Direk GB.
   
“Sabi ko, kailangang matapos tayo ng (Oct) 28, para makapagbakasyon tayo,” natatawa pa niyang dugtong. “So, awa ng Diyos, nakaabot ng 28.”
 
Sa Nov. 10 pa ang announcement ng official entries for MMFF 2016 at siyempre, hoping and praying si direk GB na mapasama ang pelikula nila.
   
Kung sakali naman daw na hindi mapapasama, of course, the movie will still be shown marahil ay after the December filmfest na. Pero malaking bagay daw talaga kapag ang pelikula mo ay kasama sa MMFF.
   
“Kasi, ang laking promo, eh, ang laki ng promotion ng Metro Manila Film Festival, tapos, ito ’yung time na na kumbaga, parang exclusive na Pinoy (films) lang ang ipinapalabas, so, malaking festival talaga siya,” he said.
   
Ipinaliwanag ni Direk GB na ang Mang Kepweng Returns ay hindi remake ng pelikula ni Chiquito noon.
   
“Dito, anak si Vhong ni Mang Kepweng. So, it’s a take-off galing du’n sa Mang Kepweng na original. Take-off lang siya. So, hindi siya remake, actually.”
   
Kung makakaabot din sa deadline ang movie nina Vice Ganda and Coco Martin at mapapasama sila pareho ng Mang Kepweng Returns sa MMFF, sila ang direktang magkalaban dahil pareho silang comedy. Ano ang masasabi ni direk dito?
   
“Actually, ok naman ’yun, eh. Kasi, ’pag natakot ka sa kalaban mo, parang mai-stuck ka or darating ka sa puntong ‘ganu’n na lang ang gawin natin, baka sakaling ’yun ang magki-click,’ so parang ginawa namin kung ano ang kinailangan sa pelikula.
   
“Ang dami diyang kalabang malalaki, narinig ko, si Ai-ai (delas Alas), ang alam ko ’yung Mighty Yaya yata,  I heard, ipapasok din. Kumbaga, si Ai-Ai, malaki rin. Kumbaga, parang ano na lang, kung sino na lang ang mapili, swerte,” pahayag ni Direk GB.