5,842 guests

Boyet, pinuri ang work ethics ni Derek

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 573

Sa November 16 na pala ang showing ng Star Cinema movie na The Unmarried Wife tampok sina Dingdong Dantes, Paulo Avelino at Angelica Panganiban sa direction ni Maryo J. Delos Reyes.

Inilabas ang official poster at official trailer ng movie at umabot na sa 2.6M ang views ng trailer with 64K shares in only 15 hours.

Ang shooting ng The Unmarried Wife ang nilalagare ni Dingdong, sa taping ng Alyas Robin Hood, magkaibang karakter ang kanyang ginagampanan, magkaibang tema ng istorya, kaya challenge sa kanya. 
   
Samantala, sa Alyas Robin Hood, hahabulin nina Chino si Pepe (Dingdong) dahil tinangay nito ang kotse ni Wilson (Dennis Trillo). Paaaminin ni Pepe si Wilson sa kinalaman nito sa pagkawala ng pera sa Power Bank, hindi aamin si Wilson.
   
Mapapasok ni Jojo (Joross Gamboa) ang bahay nina Venus (Andrea Torres) and makukuha ang black pearl triad, pero mahuhuli siya ni Venus. Maglalaban ang dalawa, masusugatan ni Venus ang braso ni Jojo na nakatakas at naiwan ang phone.

* * *

Panalo sa kaseksihan si Derek Ramsay sa The Escort at kahit si Christopher de Leon, sinabing sexy si Derek at ang lakas ng dating sa screen. Sinabi ito ni Boyet sa harap ng press people at pagkatapos ng premiere night ng Regal Films movie.
   
Bukod sa pagiging sexy, pinuri rin ni Boyet ang work ethics nina Derek at Lovi Poe. Sobrang professional daw ang dalawa at kahit busy sa ibang trabaho, kapag nasa shooting na, focus na sila sa kani-kanyang karakter.
   
Isa pang malakas ang impact sa movie ay si Dimples Romana bilang isa sa escort girls ng company ni Derek. Panalo ang karakter nito lalo na ang dialogue, pero maaawa ka sa mangyayari sa karakter niya.
   
Sa November 2 ang nationwide showing ng The Escort, isang sexy movie, pero may puso at may aral. Sobra ang ganda sa screen ng buong cast, lalo na si Lovi thanks kay Director Enzo Williams at sa dalawa niyang DOP.

* * *

Pinaiyak ni Miguel Tan-felix si Carla Abellana sa post ng aktor sa Instagram (IG) being part of Ismol Family. Ni-retweet ni Carla ang post ni Miguel at nag-comment ng  “Been holding back the tears, but this one made me cry. Will miss these two not-so-little babies of ours.”
   
“I was 15 and she was 13 when we started Ismol Family while doing Niño. After 3 teleseryes and 3 mini series, we close a season on Ismol Family after 125 episodes. I am 18 and she’s 16... we’ve grown. Happy to have spent most of my Tuesdays with this lady for 2yrs and 4months. #IsmolFamily #SeasonBreak #Biguel.”
   
Magtatapos na ang Ismol Family at papalitan ng Tsuperhero sa direction ni LA Madridejos, pero hindi pa sinasabi ang airing date. Kabilang sa cast sina Derrick Monasterio, Bea Binene, Alma Moreno at Gabby Concepcion.

* * *

Isa si Iza Calzado sa jury ng feature length film sa Hanoi International Film  Festival na magsisimula ngayon up to November 5. Makakasama ni Iza bilang jury si French director, producer, screenwriter Regis Wargnier (jury chair). Jury members ang Hollywood actress na si Geraldine Chaplin, India’s filmmakers Adoor Gopalakrishnan and Dao Ba Son, an award winning Vietnamese director.
   
“SOBRANG MALAKING KARANGALAN PARA MAPABILANG SA ISANG INTERNATIONAL JURY. Sana patuloy pang kilalanin ang kontribusyon nating mga Pilipino sa world cinema.
   
“Sobrang excited ako dahil sa unang beses kong dumalo sa international filmfest, malapitan kong mapapanood at makakasama sa palitan ng opinion ang mga iginagalang na filmmakers sa mundo. Sisikapin kong maging mabuting kinatawan ng ating bansa sa Hanoi International Film, Festival,” sabi ni Iza.

* * *

Matutuwa ang fans ni Gabbi Garcia na nami-miss ang karakter niyang si Alena sa Encantadia dahil nag-taping na uli ito sa fantaserye, malapit na siyang mapanood uli. Picture pa lang nito kasama si Solenn Heussaff ang pinost happy na ang fans.
   
Three weeks na ang huling labas ni Gabbi sa fantaserye nang mag-transform siyang pagong nang masugatan. Inaabangan ng Encantadiks kung pagong pa rin siyang babalik at gusto nilang mapanood ang transformation nito bilang Sang’gre. Pasabog daw ang pagbabalik ni Gabbi sa Encantadia, kaya abangan!
   
Debut na pala ni Gabbi sa December 2. Tanong ng fans nila ni Ruru Madrid kung puwede na siyang ligawan ’pag nag-18 na siya.