6,679 guests

Elisse, nagselos kay Yassi!

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 528

BALIK-DIREKTOR si Direk Maryo J. de los Reyes via the movie The Unmarried Wife starring Dingdong Dantes, Paulo Avelino at Angelica Panganiban. 

Direk Maryo’s last project with Star Cinema was I’ll Be There starring the father and daughter team nina Gabby at KC Concepcion. He cannot remember exactly when the said film was released. 

“Basta that was, I remember, the first and last na nagkasama sina Gabby at KC sa isang showbiz project,” pahayag pa ni Direk Maryo.
   
For ABS-CBN, ang series na Calla Lily naman ang last na idinirek ni Maryo.
   
He currently directs Someone To Watch Over Me for GMA-7.

* * *

Speaking of The Unmarried Wife, it’s not, of course, the first time na makakatambal ni Angelica si Dingdong. They were together as husband and wife in One More Try, co-starring them with Angel Locsin at Zanjoe Marudo.
  
The film marks Angelica’s first team-up, though, with Paulo Avelino.
     
By the way, when Angelica guested sa game program na Family Feud last Sunday, sa tanong ng host na si Luis Manzano kung ano ang cause ng madalas na paghihiwalay ng magkasintahan, ang mabilis niyang sagot: “third party.”
  
The Third Party happens to be the title of the movie, still currently showing in theaters nationwide, topbilled by Zanjoe Marudo, Sam Milby and Angel Locsin.
     
No need to tell you who Angel is sa buhay ni Luis, at one time. At lalong ibulong na lamang natin sa hangin na third party ang dahilan kung bakit diumano sila nag-breakup.
     
Come to think of it, ’di pa nga pala hanggang ngayon ibinubunyag ni Angelica kung bakit naman sila nag-break ni John Lloyd Cruz.

* * *

Nagselos pala si Elisse Joson kay Yassi Pressman dahil sa magandang pakikitungong ginawa ng ngayo’y natsitsismis na masugid niyang manliligaw na si McCoy de Leon, kilalang member ng popular dance group na Hashtags, sa huli, when all three of them were together sa Bahay Ni Kuya as part of the team which made up the Pinoy Big Brother (PBB) in Vietnam.
   
Right now, of course, magkakasama silang tatlong muli sa high-rating series ng ABS-CBN, FPJ’s Ang Probinsiyano, pinagbibidahan ni Coco Martin.
   
As expected, magka-love tandem sa series sina Elisse at McCoy, samantalang magkapatid naman sina McCoy at Yassi.
   
Yassi plays a tv news reporter na laging bumubun-tot-buntot kay Coco bilang si SPO Cardo Dalisay, tuwing may misyon ito.
   
Of Coco, today November 1 is his birthday.
   
Happy natal day, Coco. And God bless.