6,938 guests

Pangulong DU30, lucky charm ni Kylie?

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 587

WALA sa itinerary ni President Rodrigo `Digong’ Duterte sa kanyang State Visit sa Japan  (Oct. 25-27, 2016) ang pagdalo sa coronation night ng Miss International na ginanap sa Tokyo Dome City Hall ng Tokyo, Japan nung Huwebes ng gabi, October 27 kung saan ang kinatawan ng Pilipinas ay si Kylie Verzosa.

Kung positibo ang three-day Japan state visit ni Pangulong Duterte, nadagdagan ito sa panalo ni Kylie na siyang nakapag-uwi ng korona. Mukhang naging lucky charm ni Kylie si Pangulong Digong. Ito bale ang 6th win ng Pilipinas sa Miss International  title and crown na sinimulan ni Gemma Cruz in 1964 na sinundan ni Aurora Pijuan in 1970, ni Melanie Marquez in 1979, Precious Lara Quigaman in 2005 at ni Bea Santiago in 2013.
   
Nakatakdang mag-courtesy call si 2016 Miss International Kylie Verzosa kay Pangulong Duterte sa kanyang pagbabalik ng Pilipinas.

NEW PBB HOUSEMATE, MARAMI ANG PINAKILIG

MARAMI ang kinilig sa bagong miyembro ng PBB : Lucky Season 7, ang Fil-American model  na si Tanner Mata (21) nang ito’y unang ipakilala sa noontime show ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime”.  Siguradong isa si Tanner sa mga aabagan at muling magpapakilig sa loob ng Bahay ni Kuya na kahit hindi ito manalo ay tiyak na may career na itong naghihintay sa kanyang paglabas ng PBB house.
   
May mga bagong PBB housemates ang ipinakilala ni Kuya simula Sabado (October 29) at kasama na rito ang isang naging 1st runner-up ng Bb. Pilipinas na isang model, singer at TV host.

'MANG KEPWENG,' NAIPASOK NA SA MMFF COMMITTEE

NAKAPAG-sumite na ang Cineko Productions ng kanilang finished product sa screening committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF) last Friday afternoon, October 28 para sa kanilang probable entry na “Mang Kepweng Returns” na pinagbibidahan ni Vhong Navarro mula sa direksiyon ni GB Sampedro under Cineko Productions.
   
Ang “Mang Kepweng Returns” ay movie remake ng pelikulang unang pinagbidahan at pinasikat ng yumaong komedyanteng si Chiquito.
   
Tampok din sa pelikula sina Jaclyn Jose, Kim Domingo (na siyang love interest ni Vhong in the movie), Louise de los Reyes, Sunshine Cruz, Juancho Trivino, James Blanco, Pen Medina, Jhong Hilario, Valeen Montenegro, Jackie Rice at iba pa at kung saan naman may special participation sina Ahron Villena, Lotlot de Leon, Matet de Leon, Luz Fernandez, Banky at maraming iba pa.  Ito rin bale ang debut production ng bagong film outfit na Cineko Productions na binubuo ng mga young professionals and entrepreneurs.
  
“Sana palarin ang movie namin na makapasok sa MMFF,” dalangin ng dalawa sa mga baguhang producers na sina Michelle Diolola at Ladylyne Ilao.
   
“We made sure na magugustuhan ng mga manonood at magi-enjoy sila sa pelikula,” paniniguro pa ni Michelle.

MGA SASALI SA MMFF 2016, NASA BALAG NG ALANGANIN

SA November 10 na ia-announce ng mga officials ng Metro Manila Film Festival kung aling mga pelikula ang papasok sa Magic 8.
   
Bukod sa “Mang Kepweng Returns” ng Cineko Productions, nariyan din ang entry ng OctoArts Films, M-Zet Productions at APT Entertainment, ang “Enteng Kabisote 10 & the Abangers ni Vic Sotto na magkatulong na pinamahalaan nina Tony Y. Reyes at Marlon Rivera.  Entry ng Star Cinema at Viva Films, ang “Pak! Ganern! Go! na pinagbibidahan naman nina Vice Ganda at Coco Martin mula sa direksiyon ni Joyce Bernal. May tatlong entry ang Regal Films, kasama ang “Mano Po: Chinoy”.
   
Kung hindi kami nagkakamali, mahigit 50 pelikula ang nakasumite sa MMFF Screening Committee sa pagbabakasakaling makapasok sa 2016 MMFF.
   
Iba na ang namumuno  at ang bumubuo ng MMFF at iba na rin ang criteria ng mga pelikulang papasok, kaya nakabitin sa alanganin kung aling mga pelikula ang papalaring makalusot.

KAYE, SA CEBU TITIRA PAGKATAPOS NG KASAL KAY PAUL JAKE

HINDI na masusunod ang gusto ng Kapamilya actress na si Kaye Abad na maging simple at intimate lamang ang wedding nila ng kanyang fiancé, ang ex-PBB housemate-businessman (from Cebu) na si Paul Jake Castillo dahil mahigit 600 guests umano ang inaasahang dadalo sa kanilang kasal in Cebu sa darating na Disyembre.
   
Maging ang simpleng wedding gown na gusto ni Kaye na gawin sa kanya ng designer na si  Francis Libiran ay hindi rin masusunod.
   
Samantala, gusto rin ng dalawa na magkaroon sila agad ng tatlong anak.
   
Sa hometown ni Paul Jake sa Cebu mamimirmihan ang couple bagay na suportado naman ng Kapamilya actress.
   
Bago si Kaye, sa Cebu na rin naka-base ang singer-actress na si Donna Cruz na napangasawa naman ang Cebuano doctor na si Dr. Yong Larrazabal in 1998.  Ang mag-asawa ay meron ang tatlong anak – sina Bea, Gio at Cian.
   
Donna got married when she was at the peak of her showbiz career pero wala siyang pinagsisisihan dahil masaya siya at maganda ang takbo ng kanilang pagsasama ni Dr. Yong kasama ang kanilang tatlong anak.
 
Donna can now speak Cebuano like a local.

RHEN, PASOK ANG INDIE MOVIE SA CINEMA ONE ORIGINALS

MASAYANG-masaya ang dating mainstay ng “Walang Tulugan with the Master Showman," ang singer-actress-TV host na si Rhen Escano dahil  pasok sa Cinema One Originals 2016 ang kanyang sinalihang first indie movie na “Magdalola at mga Gago” na pinamahalaan ni Jules Katanyag.  Kasama rito ni Rhen sina Ricky Davao, Peewee O’Hara at Gio Gahol.
 
Kasamahan ni Rhen sa dating “Walang Tulugan…” si Sanya Lopez na isa naman sa mga lead star ng TV remake ng “Encantadia” ganoon din naman sina Jake Vargas, Ken Chan at maraming iba pa.
  
 Rhen is being co-managed by Viva Entertainment at ng inyong lingkod.