4,792 guests

Rocco, nagmahal, nasaktan, nagnegosyo!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 696

Masaya para kay Kris Aquino ang fans nito sa pagre-reach out niya kina James Yap at partner nitong si Michela Cazzola para sa mga anak nilang sina Bimby at Michael James o MJ. Pinost ni Kris ang pictures ng pagkikita nila nina Michela at ang picture nina Bimby at kapatid nitong si MJ. Wish nilang tuluy-tuloy na ito.

Heto ang caption ni Kris sa picture nina Bimby at brother nito: “I reached out to James & asked if it would be okay for Bimb to meet his baby brother. I prayed a lot for this day to arrive when we’d all be ready, because I just want what is best for my bunso. Thank you James & Mic for graciously welcoming us into your home. Mic went out of her way to prepare carbonara for Bimb & to bake an Italian chocolate pie for our merienda.”

Hindi nag-post si James ng picture ng pagkikita nina Kris with Bimby and Michela and MJ, ang pinost nito ay ang toys na gift ni Bimby kay MJ. “Thank you Bimb for bringing gifts for your brother. I love you both.”

* * *

Biniro ng mga reporter si Rocco Nacino na fine example siya ng nagmahal, nasaktan at nagnegosyo. After his breakup with Lovi Poe at pagkatapos umiyak at i-reassess ang sarili, bumangon at hinarap ang career at nag-focus sa negosyo.

Proud owner si Rocco ng two branches ng Elorde Gym, Ruffo’s Steak House, Backyard Kitchen & Brew at sa bubuksang Yuan Whisky Bar & Resto. Close to his heart ang food business kaya dito siya nagpu-focus.
   
Magiging concert producer din si Rocco dahil plano nila ni Aljur Abrenica na iprodyus ang repeat ng Oh, Boy concert nila nina Derrick Monasterio at Jake Vargas. Balak din nilang dalhin ang concert sa provinces at pati sa ibang bansa.
   
Nakaplano na rin kung saan dadalhin ni Rocco ang part ng talent fee na tatang-gapin sa pagre-renew ng kontrata sa GMA-7. Malaki rin ang tf niya sa three-year contract na pinirmahan, kaya plano niyang bumili o magpatayo ng bahay.
   
Thankful si Rocco sa pa-tuloy na tiwala sa kanya ng network at looking forward sa projects na gagawin after Encantadia. Marami pa siyang role na gustong gampanan at concept na excited gawin.
   
Wala na sa plano ni Rocco si Lovi at in-unfollow na niya ito sa Instagram (IG) kaya wala siyang update sa ex-GF pati sa Fil-French na sinasabing boyfriend nito ngayon.
   
“There’s no reason para i-follow ko pa siya. There was no closure, pero wala na ring rason para mag-usap pa kami. Alam ko ng ’di siya para sa akin and I have moved on. Nagulat lang ako when she broke up with me, nagulat ako sa nangyari, pero ‘di ba, ‘pag mahal mo ang isang tao, it’s better to let her go. Alam kong walang third party, it was about us not being ready. Aminado ako, ito na ang pinakamasakit kong break-up, iyun ang gusto niya, anong magagawa ko,” wika ni Rocco.
   
Samantala, kagagaling nina Rocco, Migo Adecer, Klea Pineda at Sanya Lopez sa Masskara Festival sa Bacolod para sa mall tour ng Encantadia.

* * *

Balik-tambalan sina Kristoffer Martin at Joyce Ching sa Afternon Prime ng GMA-7 na Hahamakin Ang Lahat na pilot sa October 31. Masuwerte ang dalawa dahil hindi sila iniwan ng kanilang fans at naghintay lang na magkaroon sila ng bagong soap. Ang promise ng KrisJoy fans, susuportahan ang teleserye ng favorite love team nila.
   
Napansin lang namin na parang nililinya ng network sa sexy roles sina Kristoffer at Joyce batay sa napanood naming trailer ng Hahamakin Ang Lahat. May swimming pool scene sila, nag-two-piece si Joyce, naghubad si Kristoffer at may kissing scenes pa. Kikiligin nito ang kanilang fans.
   
Anyway, si Kristoffer ang kumanta ng theme song ng soap ka-duet si Hannah Precillas. Ang aktor din ang kumanta ng theme song ng Alyas Robin Hood.