5,004 guests

Bea at Gerald, magka-date sa 2016 Star Magic Ball!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 1115
Bea & Gerald Bea & Gerald

Si Liza Soberano ang hinirang na Best Dressed sa 10th Star Magic Ball 2016 na ginanap last Saturday night, Oct. 22, sa Makati Shangri-La and we’d say, sobrang deserving ng young actress dahil talaga namang nagmumura ang ganda niya that night.

Liza looked so stunning, elegant and glamorous  sa kanyang patterned turquoise blue Maxi Cinco gown which the young actress co-designed herself.

Siyempre, kasama niyang dumalo ang ka-loveteam and rumored boyfriend na si Enrique Gil.

As always star-studded ang 10th Star Magic Ball na taunang ginagawa ng ABS-CBN at Star Magic para sa kanilang mga talent. Dito mo talaga makikitang nagpapatalbugan ang lahat ng Star Magic talents at Kapamilya stars sa kani-kanilang magarbong kasuotan.

Ilan sa mga lumutang din ng gabing ’yun sa mga female stars ay sina Kim Chiu, Bea Alonzo, Erich Gonzalez, Janella Salvador, Kathryn Bernardo, Maja Salvador, Arci Muñoz, Jessy Mendiola, among others. Sa male stars naman ay sina Zanjoe Marudo, Gerald Anderson, Xian Lim, Daniel Padilla, Enrique Gil at Daniel Matsunaga.
   
Kontrobersyal naman ang pagdalo nina Gerald at Bea na magkasama for the first time dahil for the past six years, ang laging kasama ng aktres sa Star Magic Ball ay ang dating boyfriend na si Zanjoe na dumating naman na walang ka-date at nagsosolo.
   
Another controversial pair is Jessy and Luis na first time dumalo ng event na magka-date.
   
As usual, just like in the past year, solo si Matteo Guidicelli at hindi kasama ang girlfriend na si Sarah Geronimo who is under Viva Artists Agency.
   
Hindi naman nakadalo ang bida ng Doble Kara na si Julia Montes this year at marahil ay dahil nga sa hindi na siya Star Magic talent kungdi sa Cornerstone Entertainment na siya. Kaya ang mga fans niya ay nagkasya na lamang sa pagpo-post ng throwback photos ng young actress sa mga nakaarang Star Magic Ball.

* * *

Birthday ni Nadine Lustre sa Oct. 31 and guess what, sa South Korea nila ito ipagdiriwang ng boyfriend na si James Reid kasabay na rin ang Halloween.
   
Ayon kay Nadine, sa nasabing bansa rin daw siya nag-celebrate ng birthday at Halloween last year at nag-enjoy daw talaga siya. That time ay hindi pa niya kasama ang ka-loveteam dahil hindi pa niya ito boyfriend.
   
Last Oct. 11 naman ay ipinagdiwang ng mga bida ng Till I Met You ang kanilang monthsary at simpleng dinner lang daw ang kanilang selebrasyon.
   
“We ate sushi. It was super-simple lang, shopping and then had dinner, had sushi for dinner,” say ni Nadine in a recent interview.
   
Bagama’t naka-concentrate ang magka-loveteam sa serye nilang Till I Met You, nakakatuwa that they still find time to spend some time together outside work.