4,640 guests

Pinirata!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 535

Regal, nagbabala sa isang website

PINIRATA na  sa social media at on-line ang Regal Entertainment movies na My Rebound Girl, I Love You To Death, That Thing Called Tanga Na, The Pre-Nup at Love is Blind.

Inilabas ng kinatawan ng Regal Multimedia, Inc. ang isang warning sa hidden movies.tk na kinalalag-yan ng mga pinaratang pelikula. Wala kasing permit ito mula sa Regal kaya paglabas sa Intellectual Property Code ang ginawa nila.
   
Ang pirated films ay napapanood sa Facebook, website ng hidden movies.tk. Kapag hindi raw ito tumigil ay papatawan ng kauku-lang reklamong sibil at criminal ang gagawin ng Regal.
   
Hindi lang local films ang napipirata sa social media kungdi maging foreign films. Nagkalat dati sa Facebook ang pelikulang Train To Busan at iba pang hit foreign movies.
   
Kaya ito next offering ng Regal na The Escort ay siguradong hindi rin palalampasin, huh!

* * *

MAGKATAPAT ang kuwar-to nina Congresswoman Vilma Santos-Recto at Congressman Alfred Vargas sa Kongreso.
   
“Ang bait-bait ni Cong. Vi,” bulalas ni Cong. Alfred sa thanksgiving niya sa press na nakatulong sa showbiz at political career niya.
   
Ibinalita rin ng kongresista na babalik siya sa pag-arte sa Cinemalaya entry niyang Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa na sinulat at ididirek ni Perry Escano. Ito ang dahilan kung bakit kailangan niyang magbawas ng timbang para bumalik ang dati niyang hitsura.
   
Ano ang masasabi niya sa kasalukuyang sitwasyon ng pulitika ng bansa na involved na involved na ang mga tao?
   
“I think it’s part of maturing democracy sa atin. The more we are involved… I can see that more people are involved in political commentary. Partcipation. Kasi dati parang walang pakialam ang tao.
   
“And I think social media has a lot to do with it. Biglang nagkaroon ng boses ang tao. We might not agree with some or most of the comments pero ‘yun ang katotohanan ngayon. Marami nang pumapansin sa pulitiko, sa pulitika natin. It’s a good sign,” paliwanag ni Alfred.
   
Dahil sa social media, nadiskubre rin ni Cong. Vargas ang pagkahilig sa blogging. Mahilig na rin naman siyang magsulta pero ngayon lang niya ito ginawang habit.
   
“I like sharing my personal thoughts through a blog so that people can have a glimose of what governance and being a celebrity is all about,” rason ng kongresista ng 5th District ng Quezon City.
   
Kahit malaki ang oras na ginugugol sa Kongreso, hindi pa rin nawawala sa pagkatao niya ang pagmamahal sa pamilya.  Maaga siyang nagigising upang ihatid ang mga anak sa school at sinisikap niyang umuwi sa bahay bago 7PM para makasama sa dinner ang pamilya.
   
Sa July 2017, nakatakda ang church wedding ni Alfred sa asawang si Yasmine. Civil wedding ang naganap sa kanila noong 2010 kaya naman isang church wedding ceremony ang mangyayari sa kanila next year matapos mag-propose muli ng kongresista sa asawa.

* * *

KAPUSO artist pa rin si Rocco Nacino. Muli siyang pumirma sa GMA Network last Thursday na labis niyang ikinatuwa.
   
“Thank you very much GMA! Still a Kapuso, and will always be,” pahayag ni Rocco sa Instagram account niya.
   
Larawan nga ng kaligayahan ang pagpirma ng aktor ng tatlong taong kontrata sa network. Idagdag pa riyan ang pagkakaroon umano niya ng bagong inspirasyon sa katauhan ni Sanya Lopez na kakulitan niya sa set ng Encantadia.
   
Eh, mukhang tapos na ang kabanata ni Lovi Poe sa buhay ni Rocco kaya isabay na niya sa bagong chapter ng career niya ang pagkakaroon ng pag-ibig, huh!