6,395 guests

Julia, nagpaalam na sa Star Magic

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 1368

Sa Instagram (IG) ng Cornerstone Entertainment in-announce na talent na nila si Julia Montes. “A new day, a new beginning. Welcome to Cornerstone, Julia Montes! Cornerstone is honored to be your new home. Excited for all the possibilities.”

Maayos daw ang paalam ni Julia kay Mr. Johnny Manahan ng Star Magic kaya walang isyu rito. Ang hintayin ng fans ang pag-amin nina Coco at Julia ng kanilang relasyon na isa raw sa mga rason kung bakit lumipat sa Cornerstone si Julia.

* * *

Nagbabalik sa television si Sen. Loren Legarda bilang host ng second season ng Dayaw  na magpa-pilot 6 p.m.., sa November 3 sa ANC, ang ABS-CBN News Channel at ANC HD. Six episodes for six weeks tungkol sa culture and heritage ng mga katutubo ang  mapapanood at kapupulutan ng aral ng viewers.
   
Magkatulong ang ANC at National Commission for Culture and the Arts (NCAA) sa pagpapalabas ng Dayaw. Bawat episode ay tatalakay sa isang aspeto ng ating kultura gaya ng pagkain, tahanan, mga ritwal, spiritual beliefs. Next year, one hour na ang airing nito at wish ni Sen. Loren na maipalabas din ito sa ABS-CBN.
   
“Doing the Dayaw TV series is an enriching experience for me because I continuously learn about our indigenious culture with every episode. We have a very rich culture that we must all try to learn about and I hope that through Dayaw, Filipinos will be inspired and encouraged to discover their indigenous roots. To me, it is not just another TV show but a legacy for the Filipino people,” sabi ni Loren.
   
Samantala, sinabi ni Sen. Loren na wala siyang balak mag-seek ng higher position, tatapusin lang niya ang termino niya sa senado. Wala rin siyang plano na bumalik bilang newscaster.

* * *

Masaya ang members ng That’s My Baes sa presscon ng Trops dahil magbibida na rin sila at bukas na, bago mag-Eat Bulaga magpa-pilot ang morning series.
   
Sa direction ni Linnet Zurbano, huhusgahan na kung nakakaarte sina Kim Last, Tommy Peñaflor, Jon Timmons, Miggy Tolentino at Joel Palencia. Si Kenneth Medrano, nakagawa na ng teleserye at nakitang nakakaarte.
   
“Excited” ang Baes sa pagsabak sa acting dahil sa dancing at singing lang sila madalas mapanood sa EB. Sa Trops, maipapakita nila ang iba nilang talent at chance nila to spread their wings. Pareho sila sa pagsasabing masarap ang experience na umarte at nangakong gagawin ang best nila para masiyahan ang viewers.
   
Crush ni Joel si Marian Rivera at na-starstruck siya nang unang makita sa Sunday PinaSaya. Triple raw ang ganda nito kesa napapanood sa TV. SI Miggy, si Julie Anne San Jose ang super crush dahil magaling ng kumanta at laging naka-smile.
   
Si Kenneth, si Bianca Umali ang crush. Pinalitan nito si Jennylyn Mercado na kanyang first crush. Anghel daw ang tingin niya kay Bianca nang makita niya sa Broadway Centrum nang mag-guest sa Eat Bulaga.
   
Si Tommy, si Gabbi Garcia ang crush dahil hindi siya nakalimutan nang makita niya  sa SPS  at bumeso sa kanya. Si Kim, si Ina Raymundo na love interest niya sa Trops ang crush at very lucky siya to be paired with her. Si Jon ay si  Solenn Heussaff ang crush dahil mahilig siya sa half-breed Pinay at may accent.

* * *

Kasama nina Andre Paras at Mikee Quintos sina Jay Arcilla, Arra San Agustin at Director Jorron Monroy sa interview sa Perfect Fit  episode ng Usapang Real Love  o URL. Mala-fairy tale ang second episode ng URL ang the first-ever interactive rom-com series ng GMA Network. Pilot ito this Sunday, after GMA Blockbusters.
   
Unang tambalan ito nina Andre at Mikee at may chemistry agad sila, kaya hindi nahirapan si Direk Jorron na ilabas ang kilig sa tambalan nila. Nakatulong na matagal na silang magkakilala at magkasama sa Encantadia.
   
Magpapakilig dito sina Andre at Mikee at magugustuhan din ang love team nina Arra at Jay. Galing sa Starstruck 6 sina Arra at si Jay at doon pa lang, sila na ang pinagpa-partner at itinuloy lang dito sa Perfect Fit.
   
Naging director na si  Jorron ng Magpakailanman at Juan Happy Love Story. Siya rin ang writer ng first episode ng URL, he’s only 27 years old at UP graduate. Sabi nito, fourth year college pa lang siya, scriptwriter na siya sa GMA-7.

Si Dingdong Dantes ng Alyas Robin Hood  ang mangunguna sa Kapuso mall show sa Gaisano Grand Fiestamall Tabunok sa Talisay, Cebu. Kasama ni Dingdong sa first regional show ng action-series si Andrea Torres. Mall show starts at 4 p.m.
   
Umpisa lang daw ito ng cast ng Alyas Robin Hood  na mag-mall show and for sure, pagbibigyan sila ng GMA-7 para makita ang cast ng fans ng action series.