4,852 guests

Harutan!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 772

Alden at Maine, kinausap ng totoong pari para sa kasal

Baguhang aktres, na-devirginize ni Jake

Harutan sa isa't isa ang dating ng kinunang pre-nup photos nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Facebook page ng Eat Bulaga para sa kasal nila sa Kalye Serye. 

Iisipin mong totohanan  ang magaganap na kasalan, huh!
   
Eh, sa episode ng KS kahapon, totoong pari ang kumausap kina Alden at Meng upang ipaalam ang mga dapat nilang gawin bago ikasal.
   
Kilig-kiligan naman ang mga tao sa Broadway studio.
   
Sa totoo lang, hindi pa rin nawawala ang magic na nalikha ng AlDub loveteam kaya humarap man sa ratings ang kasal nila, eh, hindi na kaduda-dudang wagi, huh!

* * *

NA-Devirginize ni Jake Cuenca ang baguhang artista na si Loren Burgos sa Diane Ventura movie na Mulat.
   
Si Jake ang unang nakalampungan ni Loren, na kabadung-kabado dahil hindi sila magkakilala ng aktor.
   
“Ang maganda, very gentle naman si Jake sa akin kahit hindi kami close. Natakot ako before doing the scene kaya sabi ko sa kanya, yakapin ko siya para walang awkwardness, hahaha,” sabi ni Loren sa presscon ng movie kahapon.
   
Ang Mulat ang indie film ni Jake kung saan nanalo siyang best actor sa Manhattan Film Festival at Brazil Film Festival.
   
By next year, nakatakdang maging indie film producer si Jake para sa isang proyektong napili na sa Cinemalaya.

* * *

Lalarga na sa pag-arte simula sa Oktubre 24, 11:30 a.m., ang latest at hottest all-male group na Baes kasama ang newest female teen sensation na si Taki sa morning series para sa millennials, ang Trops.
   
Discovery ng Eat Bulaga ang Baes na binubuo nina Kenneth Medrano, Kim Last, Jon Timmons, Tommy Penaflor, Miggy Tolentino at Joel Palencia.
   
French-Japanese-Pinay naman si Taki, na napapanood sa nasabing noontime show.
   
Grand winner si Kenneth ng segment na “That’s My Bae.” Mula siya sa Cebu City at acting, singing at dancing ang maipagmamalaki niyang talento.
   
Nakalabas na siya sa Lenten Special ng Bulaga at naging bahagi ng morning series na Calle Siete.
   
Ang pagsasayaw rin ang naging pasaporte ng 20-year-old na si Miggy sa showbiz. Biggest break niya sa pag-arte ang Trops dahil siya ang magiging mahigpit na kalaban ni Kenneth sa puso ni Taki.
   
Umani ng kilig moments ang tambalan nina Kenneth at Taki sa Calle Siete. Nadagdagan ’yon nang maging bahagi ng Eat Bulaga ang teen sensation.
   
Pero sa Trops, eeksena si Miggy sa mundo nina Kenneth at Taki. Kapwa mag-i-effort ang dalawa para mahulog sa loob ng millennial girl.
   
Isa namang Fil-Am si Kim na magaling sa mixed martial arts. Bukod sa husay sa pagsayaw, lumulutang na rin ang pagiging komedyante niya bilang isa sa mga baguhang mainstay ng Sunday PinaSaya.
   
Si Tommy ang pinakamatangkad sa Baes at six feet. Mas pinili niyang subukan ang kapalaran sa showbiz kahit graduate siya ng BS Radiologic Technology. 
   
Tatalakay sa iba’t ibang issues ng henerasyon ngayon ang Trops -- peer pressure, friendship, rivalry, generation gap at iba pa.
   
Mula sa Tape, Inc., ang programa ay nasa ilalim ng direksyon ni Linnet Zurbano.