5,261 guests

Umaasa!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 625
Robin & Mariel Robin & Mariel

Hindi pa rin nabibigyan ng US visa si Robin Padilla, eh, manganganak na si Mariel Padilla sa November 21. Umaasa pa rin at hindi naggi-give-up ang aktor na mabibigyan siya ng US visa para nasa tabi siya ni Mariel ’pag isinilang nito si baby Maria Isabella de Padilla.

Anyway, ang ganda ng post ni Robin sa mag-asawang Dick Israel at Marlyn Michaca na magkasunod na pumanaw. Pumanaw noong October 11 si Dick at noong Oct. 15, namatay naman ang misis nito na na-comatose dahil sa aneurysm.

Post ni Robin sa Facebook: “Romeo and Julie together in life together in death... May the Almighty God bless you both the life in the hereafter where pain and death does not exist.”

In-extend ng dalawang araw ang burol ni Dick at bukas, sabay silang ike-cremate na mag-asawa. Ang aming pakikiramay sa mga naulila ng mag-asawa.

* * *

Si Martin del Rosario ang leading man ni Ryza Cenon sa indie film na Ang Manananggal sa Unit 23B. Kahit may manananggal sa karakter at story, hindi horror ang tawag ni Martin sa pelikula kundi dark romance. Iikot ito sa love story nina Nico at Jewel, portrayed by Martin and Ryza, respectively, sa direction ni Prime Cruz.

First time makatrabaho ni Martin si Ryza at first lead role pa ng aktres, kaya masaya si Martin para sa kanya at proud dahil magaling sa pelikula si Ryza. Tsinika  ni Martin kung paano niya nadiskubre sa movie na manananggal si Jewel pero hindi namin isinulat para walang spoiler dahil showing pa ang movie.
   
Entry ang pelikula sa QCinema International Film Festival at mapapanood this Monday sa Robinsons Galleria, 8:30 p.m., sa Trinoma bukas, 8:30 p.m., sa Oct. 19 sa Gateway at Galleria; at sa Oct. 21 sa UP Town, Trinoma, Gateway at Galleria.
   
Muling mapapanood sa soap si Martin dahil isa siya sa mga bida ng Afternoon Prime na Pinulot Ka Lang Sa Lupa kasama sina LJ Reyes, Benjamin Alves at Julie Anne San Jose. Hindi pa alam ni Martin ang airing ng soap sa direction ni Gina Alajar.
   
Samantala, masayang ibinalita ni Martin na negative ang result ng drug test niya five days ago. Negative siya sa shabu, marijuana, ecstacy, cocaine at tatlo pang klase ng illegal drugs. Random drug test ang ginawa sa kanya at willing siyang ipakita ang result sa mga gustong makita ’yun.

* * *

Binawi ng mga nagdududa sa kakayahan ni Sanya Lopez na gampanan ang karakter ni Sang’gre Danaya sa Encantadia dahil pinatunayan nitong kaya niyang maging Sang’gre. In fact, Sanya is exceeding everyone’s expectation dahil hindi lang siya marunong umarte, mahusay din sa mga fight scene.
   
Masaya si Sanya na nagugustuhan ng viewers ang pagganap niya bilang Sang’gre Danaya at motivation ito para mas galingan pa niya. Sabi ng manager nitong si Tracy Garcia, natutuwa si Sanya na magbasa ng positive comments sa social media.
   
Nali-link kay Rocco Nacino si Sanya, pero ang alam ni Tracy, career ang priority ni Sanya at nagtutulungan sila ng brother niyang si Jak Roberto para sa kanilang pamilya.
   
Kuwento pa ni Tracy, tuwang-tuwa si Sanya sa billboard niya ng Shimmian Surgicenter dahil first endorsement niya ito. Ready na raw for movie si Sanya at sana nga, matuloy ang pagpapapirma sa kanya ng kontrata ng Regal Films.    
   
Samantala sa Encantadia, nakabalik na si Mira (Kate Valdez) sa Lireo, pero  malulungkot nang malamang kaya siya sinundo ni Amihan (Kylie Padilla) sa mundo ng mga tao para makuha ang anak nitong si Lira (Mikee Quintos) kay Pirena (Glaiza de Castro).

* * *

Nanalong Best Youth-Oriented Program ang Wattpad Presents  ng TV5 sa katatapos na ALTA Media Icon Awards na award-giving body for excellence in Print, Film, Broadcast, Recording and Social Media. Ang University of Perpetual Help ang nasa likod ng award-giving body na ito.
 
Dumalo sa awarding ceremony ang TV5 head of Current Programming na si Ms. Joann Banaga upang tanggapin ang parangal. Sana maging daan ang award para maging masigla uli ang Entertainment Department ng TV5.

* * *

Binabati namin ng happy birthday si Director Maryo J. Delos Reyes who is celebrating his birthday today. Siguradong may celebration sa set ng Someone To Watch Over Me dahil bukod sa kaarawan ni Direk Maryo,  mataas din ang rating ng STWOM  based sa AGB Nielsen TV Audience Measurement.
   
Nagugustuhan ng viewers ang serye na tungkol sa taong may early onset

Alzheimer’s disease na ginagampanan ni Tom Rodriguez. Tinupad ni Direk Maryo at mga writer ang ipinangakong makatotohanan lang ang mapapanood sa show.
   
Sa episode mamaya, pupunta si Irene (Max Collins) sa bahay nina TJ (Tom) at Joanna (Lovi Poe) para magpaalam kay TJ dahil babalik na siya sa Amerika. Hindi siya matutuloy umalis at malaking heartache ito kay Joanna.