5,004 guests

Ryza Cenon, all-out sa masturbation scene

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 2549
Ryza Cenon Ryza Cenon

WALA sa hinagap ng Kapuso actress na si Ryza Cenon na mapapasakanya ang lead role sa pelikulang Ang Manananggal sa Unit 23B na entry ngayon sa on-going QCinema International Film Festival mula sa direksyon ni Prime Cruz at line-production ng Idea First Company nina directors Jun Lana at Perci Intalan.

Sa audition, unang binasa ni Ryza ang linya ng kaibigan ng bida. Pinasubok din sa kanyang ipabasa ang linya ng bidang si Jewel pero hindi pumasok sa utak niyang mapapasakanya ang role ng manananggal, huh!

Lead actress si Ryza sa movie dahil ’yung ilang indie films na nagawa niya ay support lang siya. Pero siya na raw ang favorite actress ni Director Jun Lana after LJ Reyes, huh!

“Wow! No comment ako riyan,” saad ni Ryza.

Seksi rin daw kasi siya sabi ng premyadong director.

“All-out din ako rito! Iniyakan ko siya. Hindi ko naman maitatago ’yon pero umiyak ako sa bahay. Hindi ako nagpakita sa kanila. Kasi ’pag nagpakita ako sa kanila, sa production, so para hindi rin sila ma-awkward. Hindi matensyon na umiiyak na siya,” pahayag ng Kapuso actress.
   
Bakit siya umiyak?
   
“Hindi talaga siya umiyak na ayoko siyang gawin. Umiyak ako dahil kinakabahan ako dahil baka hindi ko siya magawa nang maayos,” rason niya.
   
Meron daw siyang eksena sa movie na pinapaligaya ang sarili nang walang kasamang lalaki.
   
“Hindi naman ako mau-awkward. Hindi naman si Ryza Cenon ang makikita nila roon, eh, as Jewel ’yon.
   
“Kung anuman ’yung feedback ng manonood, good or bad, still, accept ko pa rin ’yon.
   
“Mas kinaya ko ’yung masturbation. Kasi mas kontrolado mo ’yung eksena. Ikaw lang mag-isa ’yon eh. Kontrolado mo ’yon.
   
“Kasi kapag may kaeksena ka na, hindi mo kontrolado ’yung damdamin ng kasama mo,” katwiran ni Ryza.
   
So mas pipiliin niyang gawin ang eksenang masturbation kesa sa mainit na eksena nila ng leading man na si Martin del Rosario?
   
“Puwede! Ha! Ha! Ha!” deklara niya.
   
So puwede na siya sa mas higit na daring scenes sa next movie niya?
   
“’Yun ang lilinawin ko. Hindi porke nagawa ’yon, hindi lahat ng indie ’yon lang ang gagawin ko. Siyempre, ayoko rin pong ma-box sa ganoon. Gusto ko ring gumawa pa ng ibang roles,” dahilan niya.
   
Ayon kay Ryza, panahon na upang lumabas na siya de-kahon niyang role. Feeling niya ay sobrang blessed siya this year sa magagandang breaks sa career niya. Kaya naman wala na siyang dahilan upang muling ma-depress lalo na’t inspired siya sa bagong suitor na negosyante, huh!
   
Kung sakaling nominado sa best actress, makakalaban ni Ryza ang entry ni Nora Aunor sa festival.

* * *

LALANTAD na  bukas ang isang bagong character sa Encantadia bukas, si Lila Sari. Tatanggalin na ang maskarang nagtatago sa tunay niyang mukha.
   
Si Lila Sari ay si Sinukuan na isang fairy. Itinago siya ni Cassiopea na ginagampanan ni Solenn Heussaff.  ’Di alam ni Cassiopea na inaambisyon pala ni Lila Sari ang trono niya.
   
After Alden Richards nagkaroon ng guesting sa telefantasya bilang isang Mulawin,  kinasasabikan na ang bagong character ni Lila Sari sa Encantadia.