5,618 guests

Sarah , balik-trabaho na!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 491
Sarah Geronimo Sarah Geronimo

AWA daw ng Diyos, ayon kay Anne Curtis, ’di niya naranasan na magkaroon ng boyfriend na natuklasan niyang beki pala.

Kaya, amuse na amuse daw siya sa kanyang role bilang babaing bawat nakakarelasyon ay may ‘guwapong’ kabit sa Bakit Lahat Ng Guwapo May Boyfriend.

“From beginning to the end of the movie, ’di lang actually maa-amuse ang mga manonood,  maaaliw at matatawa sila.

“Kasi, gustuhin man natin o hindi, in na ang karamihan sa guwapo around us ay may boyfriend na equally good-looking din,” saad pa ni Anne.

And she should know, susog pa ni Anne, since marami siyang bading na friends na madaling makapagpaibig sana ng babae. Since, may hitsura nga ang mga ito, bukod pa sa mga may stable na hanapbuhay.
   
Asked whom she thinks would have been a good catch pero nagkataong bading nga, Anne need not articulate her answer.
   
One best example kasi is her co-host in the noontime program It’s Showtime, Vice Ganda.
   
Well, let’s not forget Anne’s co-star in Bakit Lahat Ng Guwapo, si Paolo Ballesteros, na guwapong-guwapo, pero tulad ni Vice Ganda ay hindi ipinagkakaila ang tunay na kasarian.
   
Also in the cast of Bakit Lahat Ng Guwapo, directed by Jun Lana, is Dennis Trillo.

* * *

Back to work na si Sarah Geronimo after natupad ang wish niya na makapag-rest or bakasyon for two months, at least.
   
But since obviously ’di pa prepared ang Viva Films, her home studio, or ang ABS- CBN kung ano ang tamang comeback project for her, mapapanood muna si Sarah sa ASAP Live!
   
As far as her followers are concerned, they want sana for Sarah to do a movie, since ang last ngang ginawa niya was The Breakup Playlist pa with Piolo Pascual.
   
Sana daw, this time, makasama man lang niya sa project ang reel and real-life boyfriend na si Matteo Guidicilli.
   
Bagay din sila actually sa big screen.

* * *

Will Gabby Concepcion attend kaya the 2016 coronation night ng Miss Earth on October 29 at the Mall of Asia Arena (MOA), where his daughter Chloie Syquia Skarne, by former wife Jenny Syquia, could possibly be crowned as the winner?    
   
’Pag nagkataon, mame-meet muli ni Gabby si Jenny, na three years old pa lamang si Cholie nang lumipad ito ng Sweden at nakapangasawa ng isang Swedish named Filip Skarne.
   
And, of course, Filip.
   
Nag-meet na sina Gabby at Chloie, courtesy ni KC Concepcion, eldest among the children ni Gabby. Her mom, of course, is Sharon Cuneta.
   
Na-meet na rin ni Chloie si Garie, na anak naman ni Gabby kay Grace Ibuna.