6,323 guests

Movie ni Anne, pino-promote ni Angel

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 545
Paolo, Anne  & Dennis Paolo, Anne & Dennis

ANG ganda ng attitude ng magkumareng Anne Curtis at Angel Locsin dahil pareho nilang ipino-promote ang pelikulang The Third Party at Bakit Lahat Ng Guwapo May Boyfriend.

Panay ang banggit ni Angel nang mag-guest ito sa Showtime na after manood ng mga tao ng The Third Party niya ay panoorin din ang Bakit Lahat Ng Guwapo ni Anne.

Kahit pareho ang tema ng kani-kanilang pelikula, hindi ito naging isyu sa dalawa. Hindi rin nila naisip ang kompetisyon, huh!

Ipinalabas ang The Third Party nu’ng Oct. 12 at sa Miyerkules (Oct. 19) naman ang showing ng Bakit Lahat Ng Guwapo ni Anne, na pinagbibidahan din nina Paolo Ballesteros at Dennis Trillo.

Kasama naman ni Angel sa The Third Party sina Sam Milby at Zanjoe Marudo.

* * *

“Walang masama sa pagiging competitive. Mas okey ’yon dahil mas nalalaman mo kung kaya mo pa bang i-enhance ’yung kakayanan mo sa music.”
   
Ito ang naging pahayag ni Michael Pangilinan sa launching ng kanyang self-titled album sa Star Music na may carrier Single na Hanggang Kailan.
   
Kailangan din daw ng hard work para makasabay sa mga magagaling na singer ngayon sa music industry.
   
Pero hindi raw naman niya itinuturing na threat sa kanyang career ang mga kapwa RnB singers nga-yon.
   
“Ah, hindi naman. Kasi kung wala akong trabaho, eh, ’di wala. Kung meron, meron,” sabi pa niya.
   
Inusisa na rin namin kay Michael kung bakit ayaw na niyang gumawa ng pelikula ngayon kahit may mga offer. First movie ni Michael ang Pare Mahal Mo Raw Ako na pinagsamahan nila noon ni Edgar Allan Guzman.
   
“Siguro, hindi pa ako do’n. Ang layo ko pa. Mas gusto ko munang kumanta nang kumanta. Mas masarap kumanta kesa sa umarte,” katwiran niya.
   
Ibinahagi naman ni Michael kung paano niya name-maintain ang magandang boses at kung bakit pagaling siya nang pagaling sa pagkanta base na rin sa obserbasyon sa kanya ng press.
   
“Actually, simula nu’ng nag-start ako sa fitness world, do’n ako nag-ano, nagbago talaga, as in total change talaga. Dahil nu’ng nag-gym ako, do’n nag-start na tanggalin ko ’yung sigarilyo, alak, ’yung puyat, ’yung labas, kumain ng hindi magagandang pagkain, fatty foods.
   
“Actually, more on healthy food ako ngayon. Medyo strict ako sa pagkain. May sarili akong food. Mas may disiplina rin siguro ako ngayon dahil sa gym,” pahayag pa ng singer.