5,456 guests

No window hours sisimulan ng MMDA sa EDSA bukas

  • Written by Jun I. Legaspi
  • Published in Metro
  • Read: 239

IPAPATUPAD ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang  pagsuspindi ng window hours ng mga sasakyan sa EDSA bukas (Lunes). 

Bunga nito, umaasa ang Public Commuters Motorists Alliance (PCMA) na luluwag ang traffic sa gagawing pagsuspindi.
   
Sinabi ni Jessie Santos, national president ng PCMA, hangad ng kanilang grupo ang tagumpay ng programa dahil silang mga commuter ang direktang apektado ng problema sa traffic.
   
Ayon kay Santos, parami nang paraming reklamo ang kanilang nakukuha mula sa mga ordinaryong empleyado dahil walang araw sa isang linggo ang hindi sila na-late sa kanilang trabaho.
   
Reklamo din ng mga commuter ’yung panahon na sana ay kasama nila ang kanilang pamilya sa pagkain sa umaga at hapon ay kinakain ng traffic.
   
Kahit nag-adjust pa nang mas maaga ng isang oras sa dating biyahe ay nahuhuli pa rin ang mga commuter.
   
Sa pagkansela ng window hour policy, umaasa ang PCMA na gaganda kahit konti ang traffic sa EDSA at ibang lugar ng Metro Manila.