6,349 guests

KC, naging tulay sa ama at mga kapatid

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 997

KASALUKUYANG nasa bansa ang may 90 candidates ng 2016 Miss Earth na dito sa Pilipinas gaganapin.  Kasama sa 90 candidates ang anak ng actor na si Gabby Concepcion sa second ex-wife niyang si Jenny Syquia now married to a Swedish national Filip Skarne.

Dalawang taon pa lamang noon si Cloie nang magkahiwalay ang kanyang parents.  Muling nag-asawa si Jenny at in-adopt si Cloie kaya dala nito ang apelyidong Skarne sa halip na Concepcion.

Hanggang sa paglaki ni Cloie sa Sweden ay never itong naging close sa kanyang estranged dad (Gabby) pero naging malapit naman  siya sa kanyang elder half sister na si KC Concepcion (anak ni Gabby kay Sharon Cuneta) at maging sa isa niyang half-sister na si Garie, anak naman ni Gabby sa ex-GF niyang si Grace Ibuna.

Makailang beses nang nagpabalik-balik si Cloie ng Pilipinas pero never nitong ninais na makita ang kanyang biological dad.  Pero naghintay lamang si KC ng tamang panahon at siya rin ang nagsilbing tulay ng pagiging malapit muli ni Cloie sa kanilang ama.

Kung tutuusin, naging estranged din si KC kay Gabby pero ang dalaga rin ang gumawa ng paraan na muling mapalapit sa ama kahit noong ito’y nasa Amerika pa.  Nang bumalik si Gabby ng Pilipinas kasama ang kanyang bagong pamilya, doon lalong naging malapit ang mag-ama.

Sa burol noon ng namayapang ama ni Gabby na si Rolly Concepcion ay nagtagpo ang half-siblings na sina KC at Garie at simula noon ay naging malapit na sa isa’t isa ang magkapatid na KC at Garie.

We have to give credit kay KC dahil siya talaga ang gumawa ng paraan na maging close silang magkakapatid at kasama na rito ang dalawang anak ng kanyang dad sa present wife nitong si Gennevieve Yatco Gonzales-Concepcion.

Samantala, nakilala na ng magkakapatid na KC at Cloie ang nobyo ni Garie, ang singer-actor na si Michael Pangilinan who has yet to meet his girlfriend’s dad, Gabby.

SUNSHINE, TV DIRECTOR NA RIN

BUKOD sa pagiging singer-actress at pagiging hands-on mom sa kanyang dalawang anak sa ex-husband na si Timothy Tan, may ibang pinagkakaabalahan ngayon si Sunshine Dizon, ang pagiging TV director.
   
Sa first anniversary ng 8Tri-Media Broadcasting Network last Saturday, October 8 na ginanap sa Quezon City Sports Plaza, nagulat kami na makita si Sunshine hindi bilang special guest performer kundi sa likod ng stage bilang director.
   
Sa pagkakaalam namin ay si Sunshine bale ang in-house director ng nasabing radio/TV network kung saan meron kaming lingguhang radio/TV program ni Shalala, ang “Inside Showbiz with Shalala and Aster Amoyo” tuwing araw ng Linggo, 2:30 p.m. to 4 p.m. sa DZRJ 810 AM at napapanood sa Cablelink Channel 7.
   
After our program ni Shalala last Sunday afternoon  ay sandali  naming nakakuwentuhan si Sunshine.  Inamin nito sa amin na nagi-enjoy din umano siya sa kanyang bagong passion, ang pagdidirek.
   
“It’s also nice to work behind the camera,”aniya.
   
Inamin sa amin ni Sunshine na kahit ongoing ang kanilang legal battle ng ex-husband ay on speaking terms na rin sila ngayon kung ito’y may kinalaman sa kanilang mga anak.  Regular din kasing kinukuha ng kanyang dating mister ang mga bata.
     
“Ako naman, kahit ganito ang nangyari sa amin, ayokong ma-deprive ang mga bata sa karapatan at pagmamahal ng kanilang ama. Gusto kong lumaki ang mga anak ko na may tatay sila at close sila,” pahayag ni Sunshine.
   
“In fairness din naman sa ex-husband ko, hindi naman siya nagpapabaya sa kanyang obligasyon bilang ama sa mga bata,” dugtong pa ni Sunshine na napaka-slim ngayon.
   
Pero kahit nag-uusap muli sila ng ex-husband, malabo na raw na muli silang magkabalikan pa dahil sobra umano siyang nasaktan sa ginawa nito.
   
Natutuwa  naman si Sunshine na very strong ang kanyang support system mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan in and out of showbiz.

PRINCE, ‘DI NA ITINATAGO ANG SEXUAL PREFERENCE

ANG dating GMA talent na si Prince Stefan ay nasa bakuran na ngayon ng ABS-CBN since last year.  Una siyang napanood sa teleserye ng Dos na “My Home” at lumabas na rin siya sa MMK.  Ngayon ay mapapanood si Prince bilang bagong karakter sa tumatakbong teleseryeng “Till I Met You” na pinangungunahan nina James Reid at Nadine Lustre kasama si JC Santos.
   
Si Prince ang lumalabas na bagong ‘manliligaw’ ni Ali (JC) sa “Till I Met You”.
   
In real life, mukhang hindi na rin itinatago ni Prince ang kanyang sexual preference dahil nasa ‘ligawan stage’ umano sila ng kanyang gym buddy na si Paolo Amores na madalas niyang kasa-kasama sa mga lakaran pati na ang kanilang pamamasyal sa Hong Kong pero ayaw niyang lagyan ng label ang kanilang relasyon at wala umano silang commitment sa isa’t isa.
   
Si Prince ay isa sa mga GMA talent na nag-ober da bakod sa ABS-CBN na sinimulan noon ni Jake Cuenca at sinundan nina Angel Locsin, Iza Calzado, Paulo Avelino, JC de Vera, Kyla, Jonalyn Viray, Jay-R, Jaya at iba pa.

MISS UNIVERSE PAGEANT SA PILIPINAS, MAY HUMAHARANG

HANGGANG ngayon ay may mga naglalabasang balita na hindi umano matutuloy ang pagsasagawa sa Pilipinas ng 2016 Miss Universe dahil marami ang umu-oppose.
   
Ang ipinagtataka lamang namin ay kung bakit hindi pa rin nagpapalabas ng official statement ang Dept. of Tourism (DOT) hinggil sa nalalapit na pagsasagawa ng 2016 Miss Universe sa Pilipinas. Pero napag-alaman namin na isang worldwide announcement ang mangyayari early next week mula sa pamunuan ng Miss Universe at dito magkakaalaman kung matutuloy nga o hindi ang pagsasagawa sa Pilipinas.
   
Ito marahil ang rason kung bakit ultimo ang reigning Filipina Miss Universe na si Pia Wurtzbach ay hindi rin nagku-confirm kung tuloy o hindi ang Miss Universe competition sa Pilipinas.
   
Bukod sa pamunuan ng Miss Universe ay  simultaneous na magkakaroon  umano  ng press conference ang DoT para formal na i-announce ang mounting ng 2016 Miss Universe sa Pilipinas na nakatakdang ganapin sa SM MOA Arena on January 30, 2017.
   
Samantala, meron ding mga pribadong sector ng lipunan ang umaayaw sa pagsasagawa sa Pilipinas ng Miss Universe at gumagawa sila ng petisyon na huwag lamang matuloy ito.