5,417 guests

Sam, ’di agad naka-move on kay Anne

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 528
Anne Curtis Anne Curtis

ANG malaking kaibahan ng pelikulang “The Third Party” ng Star Cinema na tinatampukan nina Sam Milby, Zanjoe Marudo at Angel Locsin ay mas madrama sila. May bahid lang ng comedy, pero, mas lamang talaga ang drama.

Sa tunay na buhay, inamin ni Sam na hinding-hindi mangyayari na magkaroon siya ng karelasyong lalake.

“Para sa babae lang talaga ako,” natatawang sagot niya sa interview namin. “I have so many friends na bading at madali silang maging kaibigan. They understand where I’m coming from and they respect my decision.

Sam further admitted, “It was hard moving on from my relationship with Anne (Curtis). It took me 6 years before I really gave myself another chance. Nag-rest muna ang puso ko. Hindi naman ako sobrang lungkot dahil ang tagal din ng 6 years. Nag-date naman ako, pero, hindi suwerte. This time, I’ll try to make it work na talaga with my new girlfriend. I can’t say kung siya na talaga. Pero, I just hope she’s the girl for me na.”

ANNE, SIGURADONG LALAKE ANG MGA EX-BF

LUMILIIT na ang mundo ng mga babae. Dumarami ang mga lalaking mas pinipiling maging karelasyon ang kapwa lalake kaysa babae.
   
Mismong sina direk Jun Lana at partner/asawa niyang si Perci Intalan (yes po, pareho silang lalake) ang magpapatunay nito.
   
Nakaranas na rin kasi si direk Jun na magkaroon ng girlfriend noong bata-bata pa siya. “Not once but thrice pa,” anya.  “At naging masaya naman kami.”
   
Maging si Perci ay nagkaroon din ng girlfriend noong nasa high school pa siya. “Once lang iyon, “sabi niya.
   
May kakaiba siyang naramdaman sa sarili nang magtagpo ang kanilang landas ni direk Jun. Inamin din ni Perci na may mga eksena sa pelikula nilang “Bakit Lahat ng Guwapo, May Boyfriend” na prinodyus ng The IdeaFirst Company nila para sa Viva Films at mapapanood na sa Oct. 19 nationwide.
   
Ang malaking kaibahan ng pelikula, sa point of view ng isang babae nakatutok ang pelikula na ginagampanan ni Anne Curtis na kahit kailan ay hindi pa nakaranas maaagawan ng boyfriend ng isang bading.
   
“Masuwerte lang po siguro ako dahil wala akong naging ex na bading. Hindi naman siguro ako kikilabutan, maiilang siguro ako na mag-meet kami ngayon kung hindi na siya ang lalaking nakilala ko noon,” mula naman kay Anne.
   
“On a second thought, kapag talaga ikinasal na ako sa kanya at natutuhan ko na siyang mahalin, basta bigyan lang niya ako ng anak at kaya niya akong buhayin, puwede na,” natawa niyang dugtong.
   
“Actually, humahanga ako sa mga bading, lalo na kung napaka-intelligent nila at napaka-creative. Having direk Jun in this movie is another learning process. Iyon siguro ang dahilan kung bakit masaya sila at nae-enjoy ang buhay. They have a lot in common at they can share all their talents,” patuloy niya.
   
Nabalitaan din ni Anne na bukod sa kasal na sina direk Jun at Perci (sa abroad pa), nag-ampon na rin sila ng isang batang babae para maging  buo ang kanilang pamilya.
   
On the other hand, kilig sina direk Jun at Perci sa chemistry nina Anne at Dennis Trillo na first time nagkasama sa isang pelikula.
   
Hindi lang nila sinagot pareho ang tanong ko kung feeling nila’y si Anne sila. Imposible naman kasing maging peg nila si Dennis, ‘di ba?

ANGELIA, NAKA-GRADUATE KAHIT BUSY

MASAYANG-masaya si Angelia Ong, Ms. Earth International ngayon dahil natupad  pa ang isang pangarap niya na makapagtapos ng kursong Marketing sa St. Benilde.
   
“Ga-graduate na po ako sa Oct. 24 at tatanggapin ko na ang diploma ko,” kuwento niya. “I’d like to thank Farah (Ramos), my personal manager for arranging my schedules  para makatapos talaga ako this year. Sa dami ng events na dinadaluhan namin, akala ko, mabibigo na naman ako. But I made it with flying colors.
   
“That will happen in the morning of Oct.24. In the afternoon naman, ipapasa ko ang crown ko sa bagong Miss Earth sa MOA Arena.
   
“Incidentally, I would like to thank Piolo Pascual and Pokwang for being so nice to me during the Ultra supplier’s dealers night held at the PICC last Saturday (Oct.8). They allowed me kasi to finish my spiels for Primera Light.”
   
Other guests during the event were Marian Rivera, Gabby Concepcion, Sharon Cuneta, at iba pang big stars from ABS-CBN, GMA and TV 5.