6,309 guests

Sikat na aktor, tameme sa malditang ka-loveteam!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 716

Ai-Ai, rumampa sa Eurasia int’l filmfest

TAMEME ang isang aktor sa kanyang ka-loveteam. ’Yun palang sweet image niya, eh, kabaligtaran kapag magkasama sila ng aktor.

Kaya tuloy feeling  ng ilang showbiz observers, ang aktres ang bad influence sa lalaki. 

Ang aktres daw ang mas maraming demands sa trabaho kesa sa aktor.  To think na mas sikat ang aktor kesa sa babae, huh!
   
Dagdag pa ng ilan, napasakamay na kasi ng aktres ang ka-loveteam. Dati nga naman ay pang-showbiz lang ang kaswitan nila.
   
Pero ngayong may relasyon na sila ng ka-loveteam, todo-renda ang aktres na siyang nagmamaldita kapag ayaw na niyang magtrabaho.
   
Kaya ang hula ng karamihan, hindi rin magtatagal ang relasyon ng magka-loveteam dahil sa masamang ugali ng babae.

* * *

LUMIPAD papuntang Kazakhstan si Ai-Ai de las Alas last Wednesday kasama ang boyfriend na si Gerald Sibayan para dumalo sa Eurasia International Film Festival, kung saan entry ang movie niyang Area.
   
Na-miss tuloy niyang makita ang challenge sa anak na si Sancho na magsayaw nang naka-high heels. Winner ang panganay niya sa kontes ng Eat Bulaga.
   
First time ni Ai na rumampa sa isang international film festival kaya naman ganado siyang bumiyahe.   Siguradong pasabog na naman ang isusuot niyang damit pagrampa sa red carpet.
   
Eh, suki na ang ilang indie films sa nasabing festival. Lalo ngayong namamayagpag ang Pinoy films sa international filmfests, may pag-asang makapag-uwi ng tropeyo si Ai-Ai.
   
Matagal na niyang pangarap magkaroon ng international best actress award, kaya malay natin, matupad na ang dream na ’yon ng comedy queen.
   
Kahapon naman umalis si Alden Richards papuntang London para sa isang show. Bago umalis, naghandog na naman siya ng bagong regalo para sa kanyang fans.
   
Ilalabas na kasi sa October 10 ang mismong album niya under GMA Records matapos ilabas ang single sa iTunes at Google Play.

* * *

SINARIWA ni Heart Evangelista ang masasayang araw nila ni Senator Miriam Defensor-Santiago na yumao  kahapon.
   
Si Sen. Miriam ang pumapel na kupido sa pagkikita nina Heart at Senator Chiz Escudero.
   
Kaibigang matalik ang turingan ng senadora at ng aktres kaya lungkot na lungkot ang Kapuso star.
   
Muling inilabas ni Heart sa social media accounts niya ang pics nila ni Sen. Miriam. Maging ang ilang showbiz folks ay nakadama ng lungkot sa pagkawala ng senadora.
   
Ang aming pakikiramay mula rito sa People’s Tonight… (Condolences po. -- IFF)