5,268 guests

‘Mano Po’ shoot sa Taiwan, binagyo!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 575

Ambassador sa Korea, sabog sa paandar ni Ai-Ai

INABOT ng bagyo ang shooting sa Taiwan papuntang Taipei ng Mano Po VII: Chinoy kahapon base sa video post ni Roselle Monteverde na kasama ng cast at crew na pumunta.

“Bus to Taipei with category 11 Typhoon Megi. Feeling it now,” caption ni Roselle habang niraragasa nila ang ulan.

Sa Taiwan ang unang destinasyon ng kasamang cast na sina Richard Yap, Jean Garcia, Janella Salvador at Enchong Dee.
   
Matiwasay naman ang ilang araw ng shoot nila roon at walang bagyo.
   
Sa isang shoot nila sa Fo Guan Shan Memorial Center, isang video ang pinost niya habang ini-interview ng isang monk si Richard.
   
May kuha rin ang cast sa Kao Shung habang nasa background ang 108-ft. Buddha made of bronze.
   
Nag-shoot din ang grupo sa Sun Moon Lake, Nantou. Sa unang araw ng shoot, hinaplus-halpos nina Enchong at Janella ang money turtle sa location for good luck, huh!
   
Kahit nasa Taiwan ang anak ni Mother Lily Monteverde, super promote pa rin siya sa social media account niya ng opening ng film na My Rebound Girl nina Alex Gonzaga at Joseph Marco, na showing na ngayon, at ang launching ng teaser sa YouTube ng The Escort nina Christopher de Leon, Lovi Poe at Derek Ramsay.
   
Sa Sunday pala mapapanood ang feature kay Roselle sa programang Leading Women ng CNN Philippines hosted by Angel Jacob.

* * *

ALIW na aliw kay Ai-Ai de las Alas si Ambassador to South Korea Raul Hernandez nang mag-show ang comedy queen sa Seoul last Sunday.
   
Sa SK na-assign si Amb. Raul na dating spokesperson ng Department of Foreign Affairs.
   
Matapos ang pasabog na opening number at takpan ang suot na tangga, tinanong ni Ai kung may asawa pa si Hernandez.
   
Tumugon naman siya ng “oo” at may dalawang anak.
   
“Ay, buti naman! Taken na din ako! Ito ngang sa akin, pinasarhan ko na. Ang dami nang pumasok diyan! Hahaha!” bulalas ni Ai sa tawa nang tawang ambassador.
   
Komo nga fund raising ang show para sa isang simbahan sa SK, tiklop naman si Ai-Ai nang batiin ang dalawang pari with matching, “Bless me father for I have sinned!”
   
Bagsak sa upuan ang dalawang pari, huh!
   
Pero behaved si Ai-Ai nang batiin ang Korean officials na nanood din ng kanyang show. Inechos-echos niya sila sa pagsasalita ng Korean.
   
First time ni Ai mag-show sa Seoul. Kaya naman ibinigay niya nang todo ang performance mula opening number hanggang closing.
   
Bukod sa K-Pop look sa buhok, dalawang costume changes ang ginawa niya na pang-showgirl talaga, huh!
   
Kaya after ng show, nagkagulo ang lahat upang magkaroon ng picture kasama ang komedyana.
   
Isang fan nga niya mula pa nang nine years old siya ay napaiyak nang makita, mayakap at magkaroon ng picture sa idolo.
   
Isa sa guests ang anak ni Ai na si Sancho Vito de las Alas. Gaya ng ina, humataw nang todo si Sancho sa stage.
   
Nagkaroon naman ng bagong “Kris” sa buhay ang comedy queen dahil sa guesting ni Kris Lawrence.
   
Biro nga sa kanya, kahit saan siya magpunta, may “Kris” na sumusunod sa kanya.
   
From Korea, ang susunod na shows ni Ai-Ai ay gagawin sa Singapore at Amerika. Bago pumunta sa States, bakasyon ng ilang araw si Ai kasama ang original mainstays ng Sunday PinaSaya bilang bonus sa kanila ni Tony Tuviera.
   
Anyway, thanks pala Ai sa birthday treat mo sa amin ni Dondon Sermino!