6,501 guests

Teaser ng movie ni Angel, naka-2M views agad

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 856

Natutuwa ang fans ni Angel Locsin sa napan-sin nilang super active ito sa pagpu-promote ng Star Cinema movie na The Third Party sa social media. Mula pa lang sa storycon, shooting, pictorial at release ng official trailer, prino-mote ’yun ni Angel.

Nagpasalamat ito na naka-2M views ang pelikula ni Director Jason Laxamana in less than 24 hours of release sa Facebook. Post nito sa Instagram (IG), “Salamat! October 12 na po:) #TheThirdParty #Most ViewedPinoyMovie-Teaser of2016.”
   
Nangako ang fans ni Angel at pati na rin fans nina Sam Milby at Zanjoe Marudo na gagawin nilang blockbuster ang pelikula bilang pasasalamat nila na may bagong pelikula ang aktres at intriguing pa ang tema. Ang sunod na request ng fans ni Angel ay bigyan siya ng teleserye ng ABS-CBN.
   
Ang Baby I Love Your Way  na kinanta nina Morisette at ng Harana ang theme song ng The Third Party. Request uli ng fans, sana may version si Sam ng theme song para iba naman ang dating.

* * *

Panalo ang picture na ito nina Tom Rodriguez at Max Collins na ginaya ang pose ni Lovi Poe sa poster nito sa Bench. Nag-taping ang tatlo ng Someone To Watch Over Me sa Fairview Terraces at napagtripan nina Tom at Max na gayahin ang pose ni Lovi. ’Katuwa lang ang comment na mas magaling mag-pose si Tom kesa kay Max.
   
Aliw din ang caption ni Tom na, “Paaaak Ganeeeeern daw! Smize smize din ’pag may pagkakataon pero sa totoo lang ansakit sa balakang, ’di talaga para sakin ang ganitong klaseng pose.”
   
Tuwang-tuwa kay Tom ang mga nakakita ng picture nila ni Max at least daw, nakikita nila itong hindi umiiyak at hindi nagagalit na madalas niyang eksena sa Someone To Watch Over Me dahil sa early onset Alzheimer na sakit ng karakter niyang si  TJ Chavez sa teleserye.
   
Pinaiyak ni Tom ang viewers sa eksenang karga niya ang anak nila ni Joanna (Lovi) at ang dialogue niya ay, “Son, remember that daddy loves you... because daddy might not remember anymore.”
   
Puro papuri ang comments na nababasa namin sa husay ng buong cast lalo na sina Tom at Lovi at malapit na rin mapuri si Max dahil makikipagsabayan ito ng acting sa dalawa. Nakakahiya raw kung ’di siya sumabay sa husay nina Tom at Lovi at maiiwanan siya sa “raw” acting ng dalawa.

* * *

May special announcement daw si Alden Richards this Tuesday at dahil walang clue kung ano ang ia-announce ng aktor, sabay-sabay na lang tayong maghintay. Ang fans ng aktor, kanya-kanya na ng hula kung tungkol saan ang ibabalita nito at umaasa silang good news ito.
   
Anyway, siguradong nadagdagan ang tuwa ni Alden kung nabasa ang pagwi-welcome sa kanya ni Direk Mark Reyes sa Encantadia. Simple lang ang post ni Direk Mark na, “Good things happen to good people. Welcome to Encantadia Alden! #avisalalakan #dreamscometrue.”
   
Ang HT ni Direk Mark na #dreamscometrue ay sagot sa 2012 tweet ni Alden na @direkmark Sali ako direk kahit one of the soldiers lang hahaha #childhooddream.
   
Kasali na nga si Alden sa cast ng Encantadia at hindi lang sundalo ang role niya dahil ibinigay sa kanya ang role ni Lakan na isang Mulawin. Si Lakan ang nagbalik kay Mira/Lira sa Lireo at naka-costume ng isang Mulawin si Alden.
   
Sabi nito sa interview, kahit mainit at mabigat, hindi niya hinuhubad ang costume kahit break time. Masarap daw sa feeling na parte na siya ng fantaserye na dati lang niyang pinapaood sa TV. Idagdag pang na-miss niya ang pag-arte sa primetime.

* * *

Tama ba ang nakita naming pictorial photos ng bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na Anything For You na magkasama sa cast sina Snooky Serna at Marina Benipayo? Si Snooky ang ex wife ni Ricardo Cepeda at si Marina ang partner ngayon ng aktor. Patunay lang ito na everything is okay sa kanilang tatlo.
   
Tampok pa sa Anything For You na papalit sa Sinungaling Mong Puso si Eula Valdez, Kristoffer Martin at Joyce Ching. Kasama rin sina Thea Tolentino, Marc Abaya, Jett Pangan at Chinggoy Alonso. Si Don Michael Perez ang director nito.
   
Tinutukso pala sina Kristoffer at Joyce na puwede silang magkabalikan habang ginagawa ang Anything For You. Nakita namin ang mga eksena sa pictorial at may sexy poses sila, gaya nang naghahalikan na yata. Wala kayang magselos?