7,968 guests

Piaya Network, pantapat sa ABS-CBN, GMA-7 at TV5

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 1103

Simula sa October 1 ay hindi na lang sa Negros kundi nationwide nang mapapanood ang Piaya Network via Cignal Cable Channel 56.

Ito ang masayang ipinahayag nina Anthony Leo Aguirre (board member and president of Piaya Network), Tony Aguirre (board member) at JR Gumabon (chief legal officer) sa kanilang media launch kamakailan.
   
Ang press launch na ginanap sa Blue Leaf Filipinas ay dinaluhan din nina Alvin Anson na nagsilbing host, at ng iba pang celebrity guests na sumusuporta sa Piaya Network tulad nina Cesar Montano at showbiz couple Christopher de Leon and Sandy Andolong.
   
Ang Piaya Network ay isang channel sa Sky Cable (Channel 35) based in Bacolod na ini-launch noong August 2014.  Ini-launch ito noong August 2014.
   
Ayon sa owner ng network at sa ATP Productions, the network consists of various original TV programs and specializes in broadcast syndication all around Negros.
 
Sa ginanap na media launch ay ipinahayag din ni Leo na magpapalabas ang istasyon ng mga digital production that brings pleasure, creativity and professional advertising that satisfy its customers.
   
Puwede rin daw tawa-ging “indie channel” ang Piaya Network dahil indie producers talaga ang target nilang suportahan. 
   
Eh, bakit nga ba Piaya ang tawag nila sa network?
   
“The Network was named “Piaya” dahil ito ang kilalang delicacy sa  Bacolod and continues to be the favorite in the City of Smiles,” sagot nila. 
   
Ilan sa mga original TV shows ng Piaya ay ang The Urban Backpacker,  Power Up, L: Live, Laugh, Love,  Art Works, Gag-O! and Certified Foodie Ako.
   
The diversity of their shows aim to entice their audience from every angle and reaches out to cover the Negros lifestyle.
   
May bago rin silang shows tulad ng  A Listed, The Real Talk, Project Negros, Festival Junkie, Travel N’ Taste, Straight No Chaser, Piaya Documentaries, among others.
   
Sa tanong namin kung ano ang feeling na babanggain nila ang giant networks tulad ng ABS-CBN, GMA-7 at TV5, natawa lang ang grupo.
   
“Hindi po namin sila babanggain. Ginagawa lang namin ito dahil this is our passion. Hindi kami nakikipag-compete.”