4,295 guests

Sinira!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 582
Andi Eigenmann Andi Eigenmann

Naba-bash sina Andi Eigenmann at Jaclyn Jose dahil sa pagkabulgar na si Jake Ejercito all along ang real dad ng anak ni Andi na si Ellie. Ang daming negative comments sa social media account ni Andie na mabuti hindi niya dine-delete.

Ang unfair lang, naba-bash si Andi, pero kinu-congratulate si Jake for being the real dad of Ellie. May mga gusto ring malaman kung inaway na ni Andi ang sister niyang si Max Eigenmann na siyang nagbulgar ng lahat at pati ito naba-bash na.

May mga nagpapayo naman kay Albie na idemanda sina Andi at Jake dahil sinira raw nito ang buhay at career niya. Kung hindi raw sa bintang na siya ang ama ng anak ni Andie, si Albie sana ang ka-loveteam ni Kathryn Bernardo.

Ikinatutuwa siguro ni Albie ang mga nagsu-sorry at mga nagalit sa kanya dahil hindi niya inako na siya ang ama ni Ellie. Marami ang nagsu-sorry sa kanya at ang sagot nito ay “Thank you” na pinost sa Instagram.

Nag-post din ng Bible verses ang mom ni Albie sa Instagram (IG) at isa rito ang John 8:32: “And you will know the truth, and the truth will set you free” at nilagyan ng caption na “All these years we surrendered & completely placed our full trust & confidence to Jesus our Lord & Savior for we know in due time in His perfect time everything will be revealed.

“Thank you to all those who prayed for us with us. #thankyouJesus #godisfaithful #godisgood all the time #albiecasino.”

* * *

Puno ang Music Museum sa Oh, Boy!  concert nina Aljur Abrenica, Derrick Monasterio, Rocco Nacino at Jake Vargas. Si Rocco ang may pinaka-seksing production number at sinundan ni Derrick Monasterio na parang rumampa sa Cosmo Bash. Silang dalawa rin ang naghubad at inirampa ang mga katawan.
   
Nagpa-sexy din, pero hindi naghubad ng T-shirt si Aljur at bumawi sa maganda niyang performance and by playing the guitar.
   
Si Jake ang tila napag-iwanan ng tatlo, we were expecting him to be the best performer that night, pero parang may pumigil sa kanyang ibigay ang lahat ng talent niya sa pagkanta at pagsayaw. Dahil kaya present si Bea Binene na si Derrick ang sinuportahan at hindi siya.
   
In-announce nina Aljur at Rocco na baka dalhin sa abroad ang show at sana ’pag matuloy, ’wag nang magpa-talo si Jake sa kanyang mga kasama.
   
Nanood din pala si Kris Bernal bilang suporta kay Aljur at si Inah de Belen bilang suporta kay Jake na kapareha niya sa Oh, My Mama!