6,304 guests

JK, ipinagtanggol si Darren sa gender issue

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 617
JK, Klarisse & Jason JK, Klarisse & Jason

Sa presscon ng One Voice concert ay tinanong namin si Juan Karlos Labajo kung ano ang reaksyon niya sa ayaw mamatay-matay na gender issue ni Darren Espanto na ka-batch niya sa The Voice Kids. Ayon sa binatilyo, hindi siya naniniwala na gay si Darren.

“I know him, eh. I know him personally and I don’t think he is gay,” paglilinaw niya.

“Me, personally I’m not trying to lie or defend him para ganyan-ganyan. Kasi he’s my brother and I know naman ’yung galaw niya, eh. He is not like that. Hindi naman siya ganu’n at wala naman akong nakikitang ganu’n sa kanya,” pagdidiin pa ni JK.

Kahit daw off-cam ay lalaking-lalaki naman ang kilos ni Darren.

“Yeah, even off-cam, we’re really close. So, I don’t really see anything na nagbabase sa ganu’n. I don’t know other people see na I don’t see, pero me, personally as his bestfriend and as his brother, wala akong nakikitang ganu’n.”
   
Kinausap ba siya ni Darren nu’ng lumabas ang naturang isyu?
   
“No, kasi busy ho siya, eh. I’m trying to find time to talk to him about it nga kasi baka naapektuhan ’yon, kasi baka naniwala sa mga sinabi ng mga tao. Hindi pa kami nagkausap since then nang one-on-one talaga.
   
“Pero plano kong gawin ’yan kasi nga baka naapektuhan siya, ’di ba?”
   
Ilang buwan na raw silang hindi nagkakausap ni Darren at baka nga raw iniiwasan na rin siya ni Darren dahil sa isyu.
   
“Baka nga… ’yon nga po ’yung ayaw ko, eh, ’yung naniniwala agad sa mga sinasabi ng ibang tao, eh. Dapat kausapin muna ako. Sana hindi siya nagtampo sa akin. Pero kakausapin ko talaga siya about that,” he said.
   
Once and for all, gustong linawin ni JK na wala siyang sinabing gay si Darren o kuwestyunable ang pagkalalaki nito.
   
“Actually, I did not even say the word. Wala nga akong sinabing anything against about it, so ’yon lang. I’m not even going to defend myself… I’m just sharing,” paglilinaw pa niya.
   
Samantala, kasama ni JK sa One Voice concert sina Klarisse de Guzman at Jason Dy. Gaganapin ito sa Music Museum on Oct. 1, 8 p.m. The show is produced by Hills and Dreams and under the musical direction of Marvin Querido and the direction of Frank Lloyd Mamaril.