4,676 guests

Benjamin at Julie Anne, biglang nanahimik

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 680
Miguel, Bianca  & Jak Miguel, Bianca & Jak

NGAYONG Sunday na, 4:45 p.m., ang  pilot ng Dream Date na pilot episode ng Usapang Real Love (URL) na tinatawag na first-ever interactive rom-com series ng GMA-7. Mga bida rito ang magka-love team na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali at ka-love triangle nila si Jak Roberto.

Four weeks tatakbo ang Dream Date at kahit second show ito nina Miguel, Bianca at Jak ’pag Sunday, kampante ang mga nasa likod ng show na panonoorin pa rin ito. Nasa Ismol Family din kasi ang BiGuel at si Jak ay nasa Dear Uge.

Hindi isyu kina Miguel at Bianca kung may ka-love triangle sila dahil kailangan sa istorya at kaibigan nila si Jak. Itinanggi rin ni Bianca ang tsikang nanliligaw sa kanya si Jak dahil sa ngayon, kahit si Miguel, bawal pa siyang ligawan.

May partisipasyon ang netizens sa URL via video challenges posted on the UsapangRealLove FB page. Viewers are invited to submit their video entries by sending a message on FB, Instagram or Twitter and tagging @UsapangRealLove with the hashtag #MagpaFANSin. The chosen video will be featured on TV.

* * *

Nagtatanong ang fans kung bakit wala nang balita kina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose? Kung bakit wala nang update mula nang kanilang aminin na “exclusively dating” na sila? Curious ang fans ng dalawa kung ano ang status nila ngayon, kung natuloy bang maging sila o naudlot ang kanilang relasyon.

Hinanap din ng fans nina Benjamin at Julie Anne ang aktor nang mag-guest ang singer-actress sa Oh, Boy! concert, pero dahil guest lang si Julie, pinalampas na nila ’yun. May kumontra lang dahil ’pag “exclusively dating” ang couple, dapat daw para na kayong mag-dyowa.
   
Siguro dahil hindi pa sila nagti-taping ng afternoon soap na Pinulot Ka Lang Sa Lupa kaya walang balita sa kanila. Puwede ring rason na busy si Benjamin dahil bagong bukas ang third branch ng Book and Borders Cafe na isa siya sa owners. Ang  dalawang branches ay sa Tomas Morato at McKinley Hills sa Taguig. Babawi rin sila.