5,163 guests

Kathryn, may pictorial sa Iceland kasama si Daniel

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 848
Kathryn Bernardo Kathryn Bernardo

Wala ngayon sa bansa si Kathryn Bernardo. Umalis siya kasama ang inang si Mommy Min at ang ka-loveteam na si Daniel Padilla nitong weekend para pumunta sa Iceland.

May pictorial ang KathNiel para sa cover ng Mega Magazine at ang napiling lokasyon ng publisher ng magazine ay sa Iceland pa. Sosyal, ’di ba?

Hindi masasabing bakasyon ang ipinunta ni Kathryn sa Iceland pero kahit papaano, makakapahinga na rin sila ng mommy niya. Ratsada kasi ang dalaga sa promo at sa napakaraming pinuntahang block screenings para sa movie nila ni Daniel na Barcelona: A Love Untold na nasa second week na ngayon.

Pagkatapos sa Iceland ay pupunta ulit ng Thailand si Kathryn para sa isang commercial shoot, then pag-uwi niya ng bansa, may TVC rin siyang gagawin para sa Ajinomoto.

Ang busy, huh! Buti na lang at hindi siya nagkakasakit.
   
Samantala, masaya si Kathryn sa mga nakapansin sa acting niya sa Barcelona. Nagpapasalamat siya na na-appreciate ng mga manonood ang pinaghirapan nilang pelikula ni Daniel.
   
“Overwhelmed po ako and thankful sa lahat ng nanood ng aming pelikula. Maraming salamat po,” sey pa niya.