4,255 guests

Jennylyn, ayaw na magpabuntis nang walang kasal

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 516
Jennylyn Mercado Jennylyn Mercado

Six years from now pa nakikita ni Jennylyn Mercado ang sarili na magpakasal. At 29, hindi pa rin daw siya nagmamadali at enjoy siya sa buhay niya ngayon with Jazz (her only son) as the center of her life.

“Unahin ko muna ang anak ko,” she said.

Basta ang masisiguro niya sa ngayon, hindi na niya uulitin ang dating pagkakamali na magkaanak nang hindi pa kasal. Aniya, she has learned her lesson.

Hindi naman daw humihingi ng kasunod si Jazz dahil seloso raw ang bagets.

Asked kung hindi ba nagseselos si Jazz sa mga nagiging leading man niya, aniya ay hindi niya ito pinapanood ng mga show niya.
   
“Ang pinapanood niya lang, puro mga cartoon. Hindi siya nanoood ng TV, kahit mga soap. Mga movie lang na cartoons (ang pinapanood).
   
“Ayoko po kasi medyo violent ’yung mga ginagawa ko, eh,” sey pa niya.
   
Pero pagdating sa status ng relasyon nila ni Dennis ay umiwas na si Jen na pag-usapan ito. Inamin naman niyang magkasama sila recently na nag-scuda diving sa Batangas para makiisa sa clean-up drive ng Philippine Coast Guard sa Mabini, Batangas.
   
"First time niyang sumama mag-scuba, gusto rin kasi niyang tumulong sa paglilinis ng dagat sa Mabini. Enjoy naman, nandoon din sina Gerald (Anderson) bilang part sila ng Coast Guard natin," kuwento ni Jen.
   
Samantala, busy ngayon si Jen promoting her Ultimate album under Ivory Records na naglalaman ng seven tracks including her carrier single, Hagdan, and collaborations with Christian Bautista and Silent Sanctuary.

* * *

Kasado na ang P1.4-billion budget ng gobyerno para palakasin at gawing world- class ang state-owned People’s Television Network (PTV), ang radio station nitong Radyo ng Bayan, gayundin ang Philippine Information Agency (PIA), Philippine News Agency (PNA) at National Printing Office (NPO).
   
Ito ang masayang inanusyo ni Presidential Communications Office Secretary and Presidential Spokesperson Martin Andanar sa tsikahan with the entertainment press.
   
Naipasa na raw sa Kongreso ang nasabing supplemental budget to be released next year.
   
“Sa PTV-4, bukod sa pagpapalakas sa Metro Manila, palalakasin din sa mga probinsya ng Mindanao, Visayas at Luzon. Kailangan, nakahanda ang ating PTV-4 para sa digital age.
   
“Nandiyan din ang Mindanao Hub. Magtatayo ng isang magandang television and radio complex sa Davao. Para ito po ’yung magiging sentro ng komunikasyon o broadcast ng buong Mindanao.
   
“Then eventually, ’yung pagpapaganda ng komunikasyon sa Cebu, sa Visayas. Kailangang mayroon tayong broadcast hub sa Visayas sa radyo at telebisyon,” pahayag ni Sec. Andanar.
   
Ang Radyo ng Bayan naman, palalawakin din. Ang goal nila, mula sa mahigit 30 stations, gagawin itong 57 stations nationwide in three years.
   
Palalakasin din ang PIA at lalagyan ang mga probinsiyang wala nito, kabilang na ang Jolo, Sulu.
   
“It’s difficult to win the hearts and mind of our Muslim brothers sa Jolo kung wala pong PIA,” aniya.
   
Ibabalik din daw sa dating sigla ang Philippine News Agency as the premiere news agency of the country.
   
“Kung titingnan n’yo po ang PNA ngayon, nakakaawa sila. Kulang ang computer, luma ang computer, ’yung kanilang server, nag-iisa lang. ’Yung mga reporter natin, kulang sa gamit, walang camera.
   
“So, paano natin isisigaw sa buong mundo na maganda ang takbo ng bansa natin, na globalized economy kung wala tayong maayos na Philippine News Agency?”
   
Pagdating naman sa NPO, ayon kay Andanar, bibilhan ito ng mga bagong makinarya.
   
“’Yung NPO, eh dapat ito ‘yung pinakamalaki na printing office sa buong bansa. Pero kung titingnan n’yo po ’yun printing office natin, eh, wala pa ’atang limang makina na tayo ang may-ari. Lahat po ng makina doon ay pagmamay-ari ng contractor. So, kailangan po itong i-revitalize at magkaroon ng reporma,” he said.
   
Marami raw dapat gawin at aminado si Sec. Andanar na malaking responsibilidad ang nakakatang sa kanyang balikat. Pero siniguro niyang gagampanan niya ang kanyang tungkulin.