4,613 guests

Kasal ni Francine, natuloy na

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 408
Francine and Frank Shotkoski Francine and Frank Shotkoski

GANAP nang Mrs. Frank Shotkoski ang dating Seiko Films sexy star na si Francine Prieto matapos ang isang intimate civil wedding ceremony na ginanap sa Casa Mariantonia in Anacapri, Isle of Capri, Italy noong nakaraang Miyerkules, September 21 (sunset) na dinaluhan ng respective families and friends ng bagong mag-asawa.

Ang mister ni Francine ay isang American molecular biologist. Ang bagong mag-asawa ay nakatakdang bumalik ng Pilipinas sa susunod na Miyerkules, September 28.

Dapat ay kasama si Francine sa bagong simulang teleserye ng GMA, ang “Oh, My Mama!” na launching TV series ni Inah de Belen pero dahil sa pagiging busy sa paghahanda para sa kasal, pinalitan na lamang siya.

Masayang-masaya ang pakiramdam ngayon ni Francine dahil may katuwang na siya sa buhay. Ulilang lubos na si Francine sa magulang.

Kahit may asawa na, magpapatuloy pa rin si Francine sa kanyang showbiz career at ito’y may basbas ng kanyang mister.
   
Since 34 na si Francine, gusto na rin niyang magkaroon sila ng baby ng kanyang brand new husband na si Frank.
   
Samantala, balak pa rin nina Francine at Frank na magpakasal sa isang taon (sometime in February 2017) sa Denmark para makadalo ang kanyang relatives sa father side. Isang Norwegian ang biological dad ni Francine na nagkaroon ng pamilya sa Denmark.
   
“Gusto sana namin sa Norway magpakasal pero maraming documents ang kailangan kaya nag-decide kami na sa Denmark na lang kasi mas madali roon magpakasal,” kuwento sa amin ni Francine bago ito tumulak ng Italy last September 14.

MAPAPANGASAWA NI RUFA MAE, NINE YEARS YOUNGER

THE month of September is almost over pero may ilan pang couples ang tiyak na hahabol sa pagpapakasal bago magtapos ang taong kasalukuyan. Isa na riyan ang preggy bride-to-be na si Rufa Mae Quinto sa kanyang US-based fiancé na si Trevor Magallanes.
   
Although hindi pa nagbibigay ng detalye sa kasal si Rufa Mae, isang beach wedding ang magaganap on November 25 with LJ Moreno-Alapag as matron of honor.
   
Ang ipinagbubuntis ngayon ni Rufa Mae ay itinuturing niyang advance wedding gift sa kanila ng kanyang magiging husband na si Trevor.
   
Sobrang proud sa kanya si Rufa Mae dahil nagtapos itong cum laude sa University of San Francisco, School of Management noong December 2014. Nagtrabaho rin si Trevor sa United States Air Force (2005-2009) bilang Imagery Analyst and UAV Sensor Operator.
   
Rufa Mae at 38 is nine years older sa kanyang San Francisco, California-based financial analyst fiancé na si Trevor, 29.
   
Samantala, masaya para kay Rufa Mae ang kanyang ex-boyfriend na si Erik Santos.

ALDEN AT MAINE, ’DI PA TIYAK ANG SORPRESA

KAHIT hindi si Alden Richards ang isa sa mga bida ng muling pagbabalik sa telebisyon ng classic fantaserye na “Encantadia,” masaya siya at may special participation siya sa nasabing serye.
   
Ayon kay Alden, buhay pa ang kanyang namayapang ina nang kanilang mapanood ang unang airing ng “Encantadia” at hindi umano siya makapaniwala na kasama na siya sa nasabing serye sa muli nitong pagbabalik sa ere.
   
Still on Alden, nangako ito sa kanilang mga fans ni Maine Mendoza na meron silang sorpresa  lalupa’t nami-miss ng mga ito ang “Kalyeserye” ng “Eat Bulaga” na nagtapos na rin sa ere.
   
Isa kaya itong TV series o may bagong movie silang sisimulan?

DR. ROB, MAHAL NA MAHAL SI PATRICIA

HINDI naging madali sa American chiropractor doctor husband ni Patricia Javier na si Dr. Robert Walcher ang magdesisyong i-give- up ang kanyang chiropractic profession sa Amerika (San Diego, California, USA) para mag-relocate sa Pilipinas with his wife and two sons. Pero dahil mahal na mahal niya ang kanyang misis, pumayag siyang subukan ang buhay sa Pilipinas.
   
Nang magkasunod naming makapanayam ang mag-asawang Dr. Rob Walcher at Patricia sa aming “Inside Showbiz with Shalala & Aster Amoyo” over DZRJ 810 AM Radio at sa aming “Showbiz Express” segment ng “Gandang Ricky Reyes on GMA News TV, inamin ni Dr. Rob that he made the right decision. Not only because his chiropractic wellness clinic (in Quezon City) is doing very well kundi nakukuha ng kanilang dalawang anak ang magandang moral values ng mga Pinoy at naipagpapatuloy pa ni Patricia ang kanyang singing and acting career.
   
Although Dr. Rob goes for healthy foods, gustung-gusto niya ang pansit at adobo at unti-unti na rin siyang natututong magsalita ng Tagalog.
   
Si Dr. Rob ay nagkaroon ng special participation sa movie nina Vilma Santos, Angel Locsin at Xian Lim, ang “Everything About Her” na dinirek ni Joyce Bernal for Star Cinema.

CHAVIT, NASA AMERIKA PARA SA MISS U PREPARATIONS

PABALIK-BALIK ng Amerika ngayon ang businessman-politician na si Chavit Singson na may kinalaman sa nalalapit na 2016 Miss Universe pageant na gaganapin sa Pilipinas sa ikatlong pagkakataon sa darating na Enero 30, 2017 sa SM MOA Arena.
   
Kasalukuyang nasa New York City, USA ang dating gobernador ng Ilocos Sur para pag-usapan ang mga detalye ng nalalapit na Miss Universe competition sa Pilipinas.
   
Ayon kay Gov. Chavit, malaki ang maitutulong sa turismo at ekonomiya ng Pilipinas ang pagsasagawa ng Miss Universe sa ating bansa.
   
Habang papalapit na ang 2016 Miss Universe pageant, abalang-abala na rin ang Department of Tourism na pinamumunuan ni Sec. Wanda Teo.
   
Masuwerte naman ang mga kandidata ng Miss Universe dahil makakarating sila sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas tulad ng Davao, Cebu, Iloilo at Vigan na kasali sa New7 Wonder Cities of the World. Mai-experience din nilang sumakay sa 3-decker luxury yacht ni G. Chavit na binili pa niya sa Monaco maging sa kanyang newly-acquired 148-seater na Boeing 747 at 30 new buses. Maging ang pagbisita sa Baluarte ni Gov. Chavit at sa magagandang lugar sa Ilocos Sur, kasama na ang  World Heritage Site na Calle Crisologo.