5,459 guests

Alex, dedma sa isyu ng pakikisawsaw sa Senate hearing

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 499

Dedma si Alex Gonzaga sa mga comment na ’wag na siyang makisawsaw sa Senate hearing at asikasuhin na lang ang pagpu-promote ng My Rebound Girl dahil showing na sa September 28. Tulungan na lang daw niya ang Regal Films sa pagpu-promote ng movie nila ni Joseph Marco.

Nag-tweet kasi si Alex ng, “Okay pala sa Maximum Bilibid dahil ‘Las Vegas’ daw ’yun sabi ni Colanggo. Buti pa mga nakakulong, nasa ‘Las Vegas’” at “Maiba tayo... Kumanta na si Colanggo pero sa Senado naman! De Lima, kalso ka! Patay! Sen. DILIMNA!”

In fairness kina Alex at Joseph, masipag silang mag-promote ng My Rebound Girl at pumunta pa sila sa Cebu to promote the movie.

Tuwang-tuwa sa kanila sina Mother Lily at Roselle Monteverde dahil walang kapagurang mag-promote.

* * *

Para kay Director Lav Diaz ang panawagan ni Charo Santos na panoorin ang Ang Babaeng Humayo na showing na sa September 28 sa 40 theaters nationwide.
   
Wala si Direk Lav sa pa-presscon ng Star Cinema sa kanyang pelikula, pero mata-touch ito sa sinabi ni  Charo na, “Lav deserves a bigger Filipino audience, kaya manood na and experience watching the Golden Lion awardee sa 73rd Venice International Film Festival.”
   
Isa ito sa pinakamaiksing pelikula ni Lav dahil three hours and 35 minutes lang, pero ayon pa rin kay  Charo, pinaka-solid sa pelikula ng director.
   
Ang ma-experience working with Lav ang isa sa mga rason kung bakit tinanggap niya ang Ang Babaeng Humayo. March lang sila nag-usap ni Lav at nagsimulang mag-shooting noong May sa Mindoro.
   
Dumaan sa half-day workshop kay Malou de Guzman si Charo, nagpunta rin siya sa Bureau of Correctional para mag-interview ng inmates at umikot sa lugar para sa sinabing, “To feel the essence of how it is to live there.”
   
Marami rin silang discussion ni Lav para makakuha ng motivation at nagtanong siya sa co-stars niya.
   
Ang resulta ay isang magandang pelikula, kung saan ginampanan ni Charo ang role ni Horacia. Isa sa challenges ang eksenang nag-disguise siyang tomboy para makapaghiganti.
   
Si Lav din ang isa sa peg ni Charo, lalo na sa pag-upo.

* * *

Ang daming natututunan ng viewers tungkol sa early onset ng Alzheimer at sa nasabing sakit na rin mismo dahil sa Someone to Watch Over Me.
   
Dumami ang mas naging concern sa sakit na ito at nakakabasa kami ng comments sa social media accounts nina Tom Rodriguez at Lovi Poe na nararanasan nila ang pinagdaraanang sintomas na pinagdaanan ng karakter ni Tom.
   
Ang husay ni Tom bilang si TJ Chavez na dumaranas ng early onset ng Alzheimer at tuwang-tuwa siguro sa kanya si Director Maryo J. delos Reyes dahil real emotions at parang hindi siya umaarte sa kanyang mga eksena.
   
Maitanong nga kay Tom kung paano siya kumakalas sa karakter at kung ilang oras ang inaabot bago siya makawala sa karakter na si TJ.
   
Samantala, nakiisa sina Tom, Lovi at ang buong staff at crew sa selebrasyon ng World Alzheimer’s Day noong September 21. Wala pang nakikitang lunas para sa sakit na ito na pati pala mga bata ay puwedeng dapuan.

* * *

Open at hindi na naka-private setting ang Instagram (IG) account ni Paolo Contis.   Kapansin-pansin na bukod sa photos niya with Dingdong Dantes at ibang cast ng Alyas Robin Hood, marami silang photos ng GF niyang si LJ Reyes. 
   
Sinabayan niya ito ng pa-cute at sweet caption na tiyak ikinatutuwa ni LJ.
   
Sabi ni Paolo sa presscon ng Alyas Robin Hood, na-achieve na nila ni LJ ang gusto na maging private ang relasyon nila sa early months, kaya naging open na siya o sila.
   
Ang cute ng caption ni Paolo sa first photo nila ni LJ na kanyang pinost.

“Of course, for my first photo, it’s just right that I post the picture of this beautiful lady who makes me truly happy and complete @lj_reyes thank you for simply being you.”
   
May hashtag pa si Paolo na #proudjowa.