6,535 guests

Paulo strikes again

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 681
Paulo Avelino Paulo Avelino

MAY sayad si Paulo Avelino.

Oops! Hindi siya mismo, kundi ang karakter niya sa Ang Probinsyano. Serial killer siya rito. Mahusay ang kanyang pagganap bilang si Eric.

Effective ang actor sa ganitong karakter. 'Yung normal at mabait pero may sayad sa utak. Bagay sa kanya ang maging bida-kontrabida. Para siyang si Albert Martinez na parehong effective sa pagganap ng mga bida at kontrabidang karakter. Pero ang downside nito, siguradong matata-typecast siya sa ganitong role.

Mukhang malapit nang ipalabas ang upcoming teleserye niyang The Promise of Forever. Kasama niya rito sina Ejay Falcon at Ritz Azul. Dahil nagiging visible na ulit siya sa telebisyon. Marahil pinag-aaralan na lang ng network kung saan timeslot ilalabas ang nasabing teleserye.

Magiging primetime bida pa rin ba kaya itong si Paulo? Just asking...

‘BFY’ FINALE, SAMPAL SA VIEWERS

BADUY. Ito ang reaksyon ng aming kasambahay sa finale episode ng Born For You. Tawang-tawa kami dahil hindi namin  akalain na nabaduyan siya rito.
   
Nagmukhang stage play ang eksena ng pagsugod ni Marge (Ayen Munji) sa concert ni Sam (Janella Salvador). At sa mismong stage pa ang confrontation scene; na live ang nasabing eksena na kuha mismo sa actual concert ng BFY sa Kia Theater last September 16. Naging interactive ito dahil kasama ang audience sa eksena. In fairness, malinis ang execution ng eksena. Nagawa na rin ang ganitong treatment na isingit ang ilang live scene sa finale episode sa On The Wings of Love nina James Reid at Nadine Lustre.
   
Overall, the finale episode was such a big disappointment and insult to the viewers' intelligence. Sabi nga ng isang post na nabasa ko  sa Facebook,  "nag-away at nagbati nang ganun-ganun lang; saka kumantang Born For You." Oo nga naman. Napansin naming na nawawalan ng logic ang mga kuwento ng ating mga teleserye ngayon. May brain drain na ba sa mga network? Just asking...

Disclaimer:

Sadiwangmalayangpamamahayag, malaya rinangsino man o concerned parties natinutukoy o nasusulatsakolum naito para saanumangpaglilinaw o karagdagangkomento at reaksyon. Mangyaringmakipag-ugnayanlamangsaJust Asking thru 09179256177 or email us at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.