4,508 guests

Ma’ Rosa bilang Oscars entry, iniintriga

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 391

MA’ Rosa o Ang Babaeng Humayo?

'Yan ang tanong ng ilan sa mga taga-movie industry kung alin ang karapat-dapat na maging entry ng bansa sa Oscars Awards next year. This is already moot and academic as Film Academy of the Philippines already made its choice: That Ma'Rosa is the country's official entry to Oscars' Best Foreign Language category.

Lumabas ang nasabing desisyon sa gitna ng tagumpay na tinamo ng Ang Babaeng Humayo na nanalo ng Golden Lion for Best Film sa katatapos na 73rd Venice Film Festival. Hindi rin naman matatawaran ang parangal na ibinigay ng Ma'Rosa ni Brillante Mendoza, na big winner din sa Cannes Film Festival last May.

Ang nasabing pelikula ang nagpanalo ng Cannes Best Actress kay Jaclyn Jose. Sa tagumpay ng dalawang pelikula, marami ang natuwa dahil sa pag-asang muling sisigla ang paggawa ng pelikulang Pinoy. And the opportunity to penetrate the world film market. Pero napansin namin na umaasa pa rin ang iba na sana ang pelikula raw ni Lav Diaz ang mapiling official entry para sa Academy Awards.

Sa katunayan, una naglabasan sa social media ang #BringLavtotheOscars ng ilang maka-Diaz (obviously) bago pa ang naging desisyon ng F.A.P. Samantala, nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang ABH ngayong September 28. Isa sa requirement ng Oscars ang commercial showing ng isang pelikulang inilalahok dito.

Mukhang nahahati ngayon ang opinyon hinggil sa kung alin sa dalawang pelikula ang karapat-dapat na maging Oscars entry ng Pinas. Dahil dito, napaisip tuloy kami kung bakit hindi isinama ang pelikula ni Diaz sa mga pinagpiliang pelikula para dito. (Hindi pa kasi naipapalabas ang Lav Diaz film commercially for one week, at least, which is a requirement. We don’t know kung mababago pa ‘yan after the FAP pronouncement when Ang Babaeng Humayo is shown very soon.--Ed.)
   
Alin sa tingin ninyo ang mas may chance sa Oscars - Ma'Rosa o Ang Babaeng Humayo? Just asking...

JC SANTOS, SENSATION FOR A SEASON

BIGLANG sikat itong si JC Santos.
   
Dahil na rin sa kanyang pagiging third wheel sa tambalan nina James Reid at Nadine Lustre sa teleseryeng Till I Met You. Big break ito para sa kanyang showbiz career.
   
Dumaan din si JC sa pagiging talent at pag-eekstra sa mga teleserye. Pero maganda ang background nito bilang artista. Dahil nagtapos ng Theater Arts sa University of the Philippines-Diliman at nag-aral din ng musical theater sa New York. Bukod sa academic credentials niya, nagtrabaho rin siya sa Hong Kong Disneyland at Universal Studios Singapore bilang performing artist. Kaya hindi overnight ang pagkakaroon niya ng break sa telebisyon. At hindi rin nakapagtataka kung magaling siyang umarte. The young actor has no qualms in portraying a gay role in the kilig-serye. Mukhang secure naman sa kanyang sekswalidad. And he is now one of today's hot hunks.
   
Pagkatapos ng TIMY, magiging mainit pa rin kaya ang kanyang career? Or this seasoned theater actor is just good for a season on TV? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum naito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 09179256177 or email us at justasking_pj @yahoo.com