4,534 guests

Nabigla!

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 442
KathNiel KathNiel

NAKAKATUWA ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil nagdaos pa sila ng appreciation dinner para sa 5th anniversary ng tambalang KathNiel. Ginanap ang party sa Central Road ng ABS-CBN at dinaluhan ito ng fans, Star Cinema executives (Malou Santos and Olive Lamasan) at big bosses ng mga iniendor-song produkto nina Daniel at Kathryn.

Present din of course sa event ang nanay ni Daniel na si Karla Estrada at ang nanay ni Kathryn na si Mommy Min at ang kanyang pamilya.

Sa short program ng fans, ipinakita  ng isang AVP ang mga pinagdaanan ng magka-loveteam at ang kanilang sweet moments together. Sa speech ni Karla, naalala pa nito kung gaano kapayat noon ang anak, pero ngayon daw ay nag-iba na ang itsura nito.

Very humble naman si Daniel na amining kung hindi dahil kay Kathryn ay hindi siya makikilala. Si Kathryn daw ang nagdala kung nasaan man siya ngayon.

Sa speech din ni Karla ay ibinulalas niya na na-shock siya at  talagang nagulat sa kissing scene ng anak kay Kathryn.
   
“Medyo nabaliw ako ng very, very light do’n,” biro pa ni Karla.
   
Hindi niya raw kasi ito alam. Pero wala naman siyang violent reaction tungkol dito.
   
Nang mapanood namin ang Barcelona, hindi rin namin napigilang mapatili sa maraming kissing scene ng dalawa sa last part ng movie. Nando’n talaga ’yung kilig at magic  sa kanila. Na-surprise din kami sa galing ng performance  nina Daniel at Kathryn sa movie. Ibang klase talagang mag-motivate si Direk Olive Lamasan, huh!
   
Anyway, kabi-kabila pa rin ang block screenings ng Barcelona na pilit pinupuntahan nina Daniel at Kathryn para mapasaya ang fans. Sa huling balita, 300 cinemas na ang pinagpapalabasan ng Barcelona: A Love Untold.