5,500 guests

Alex at Joseph, enjoy sa bagong karanasan

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 493
Alex Gonzaga  & Joseph Marco Alex Gonzaga & Joseph Marco

NALOKA ang customers ng KKK (Kanya-Kanyang Kape) sa Maginhawa Street nang pumapel na barista nu’ng isang araw sina Alex Gonzaga at Joseph Marco.

Bahagi man ng promotions ng movie nilang My Rebound Girl ng Regal ang pagsisilbi ng kape sa customers, tuwang-tuwa na rin ang napagsilbihan na customers dahil  personal na nakita nila ang lead stars ng movie.

Enjoy na enjoy naman sina Alex at Joseph sa bagong karanasan nila. Never pa nilang nagawa ’yon sa kanilang buhay. Kahapon ay nasa Cebu ang dalawa kasama sina Nico Nicolas at Anna Vicente.

Komo nga ang MRG ang biggest break nila sa big screen, gagawin daw nila ang lahat nang sa gayon ay tangkilikin ng mga tao ang pelikula.

* * *

ISINANTABI na ni Cherie Gil ang anumang nangyari noon sa yumao niyang kapatid na si Mark Gil at Jaclyn Jose. Proud pa rin siya sa achievements ni Jaclyn na kasama niya ngayon sa GMA series na Alyas Robin Hood.

Isa nga si Cherie sa seven-man committee ng Film Academy of the Philippines na pumili sa Ma’Rosa bilang official entry ng bansa sa best foreign film category sa 2017 Oscars.
   
“No matter what has been, this lady will always have my respect and admiration for her incredible work and contribution as an actress! Aside from the fact that she is the mother of my niece @andieigengirl who I’m equally proud of. Congratulations!” post ni Cherie sa kanyang Instagram.

* * *

NAGBIGAY ng impormasyon si Miguel Tanfelix sa kabataan tungkol sa pre-marital sex, teen pregnancy at sexually transmitted disease sa press conference niya  bilang ambassador ng U4U campaign ng Commission on Population.
   
Ang pagsasalita ng Kapuso young actor ay nagsilbi ring courtesy call niya sa government agency. Kahit masasabing teenager pa, naging attentive naman ang mga kabataan sa pakikinig sa kanya.
   
Kaya naman sa inter-active rom-com series ng GMA na Usapang Real, magiging daan din ito upang maihatid pa ni Miguel ang iba pang impormasyon bilang ambassador ng Commission on Population. Kasama niya sa series ang ka-loveteam na si Bianca Umali and Kapuso hunk na si Jak Roberto.