6,682 guests

Jericho, pinakamabentang Pinoy actor sa abroad

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 820
Jericho Rosales Jericho Rosales

IPINAHAYAG ni ABS-CBN business unit head Ruel Bayani na ang bida niyang si Jericho Rosales  sa bagong series na Magpahanggang Wakas ang may hawak ng pinakamabentang Filipino soap opera sa ibang bansa.

In fact, last year daw, maraming bansa ang bumili ng seryeng Bridges of Love na si Echo ang bida. Napapanood na rin daw ang teleserye sa Latin America.

Sa dami ng  hit TV series ni Echo na naibenta sa ibang bansa simula nu’ng time ng Pangako Sa ’Yo, siya na talaga ang Asian Drama King at wala nang iba pa. ’Yung ibang nagki-claim, sorry na lang, wala kayong K.

Hindi kumportable si Jericho na tawaging Asian Drama King. Naiilang daw siya at ayaw niya ng mga title-title.

“Ginagawa ko lang naman nang maayos ang trabaho ko. Ayoko ng mga ganyang title,” katwiran pa niya.

Makakasama ni Echo sa kauna-unahang pagkakataon sa Magpa-hanggang Wakas si Arci Muñoz. Sa simula pa lang daw ay marami na kaagad silang maiinit na eksena na kinunan sa isang beach.
   
Ayon pa kay Echo, literal na palagi siyang nakahubad sa taping ng serye.
   
“Nasa beach kami, so alangan namang nakadamit ako. Topless ako lagi. Tapos ano pa bang gagawin namin ni Arci do’n kung dalawa lang kami sa beach?” natatawa niyang pahayag.
   
Bukas (Sept. 19) na magsisimula ang Magpahanggang Wakas sa primetime block ng ABS-CBN. Ka-sama rin sa serye sina John Estrada, Liza Lorena, Gelli de Belen, Jomari Angeles at marami pang iba. Sa direksyon ito ni FM Reyes.