4,504 guests

Bagong ilong, bagay kay Joseph

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 1201
Joseph Marco Joseph Marco

Ang ilong ni Joseph Marco ang isa sa mga napansin ng mga reporter sa presscon ng My Rebound Girl  dahil mas gumanda raw ito kesa dati. Wala nga lang nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin nang diretso ang kapareha ni Alex Gonzaga sa Regal Films movie, kaya puro blind item ang nabasa namin.

Napaisip tuloy kami kung sasagutin kaya nang diretso ni Joseph kung may nagtanong sa kanya kung nagpa-nose job siya? In fairness, mas gumuwapo nga si Joseph, mas bumagay sa kanya ang bagong ilong, kung totoo ngang ipinaayos niya.

Samantala, sa September 28 na ang showing ng My Rebound Girl sa direction ni Emman dela Cruz. Rom-com ang pelikula at tiyak na kikiligin ang SephLex love- team nina Joseph at Alex ’pag napanood na ang movie.

* * *

Para  sa taong ito, napaaga ang Gabay Guro’s 9th teacher’s Tribute  Event dahil sasabayan ng PLDT ang selebrasyon ng National Teacher’s Day ngayong September.

Pero month at date lang ang nabago dahil the same preparation at malalaking papremyo pa sa mga teacher ang inihahanda nina Mr. Gary Dujali at Chaye Cabral-Revilla. In fact, bigger prizes ang ipamimigay this year para sa ating mga guro.
   
Na-share nina Gary at Chaye na kung dati hirap silang makakuha ng sponsor, ngayon ay hindi na. Kaya may van, motorcycle, house and lot, gadgets at marami pang iba ang maiuuwi ng mga teacher from all over the country.
   
Tuloy pa rin ang pagbibigay ng free training for over 16,000 teachers in the course of nine years namely: Teacher’s Treasure Chest; English Proficiency Training; Computer Literacy; Emotional Intelligence; Teacher’s  Armor; Leadership Training; IT Sustainability and Literacy and Unleashing Creativity in Teaching.
   
Ipinagmamalaki ng Gabay Guro na within nine years, may over 1,100 scholars na sila in diferrent state colleges and universities nationwide. Sa 2017, 167 graduates ang ini-expect na mag-graduate and most of them, with honors.
   
More or less 20 stars from Kapamilya, Kapatid at Kapuso stars ang magpe-perform sa MOA sa September 25 gaya nina Lea Salonga, Regine Velasquez, Martin Nievera, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Pops Fernandez, JaDine, Jaya, Jona Viray, Derek Ramsay, Sharon Cuneta at marami pang iba.
   
Exclusive sa mga teacher ang event, free ang admission. Just follow Gabay Guro on Facebook, Twitter and Instagram (IG) at @PLDTGabayGuro or visit the Gabay Guro  official website gabayguro.com for more details.

* * *

Kausap namin si Director Dominic Zapata sa presscon ng Alyas Robin Hood at ang controversy ng action series ni Dingdong Dantes ang aming inusisa. Sa halip na mataranta, nagpasalamat pa si Direk Dom sa laki ng publicity na naitulong ng isyung kopya raw sa US series na Arrow ang Alyas Robin Hood.
   
Nakarating kay Stephen Amell, bida sa Arrow ang isyu at nai-share nito sa FB niya ang 15 seconds teaser ng Alyas Robin Hood. Sabi ni Direk Dom, kinilig siya nang malaman ang pagsi-share ni Stephen Amell sa teaser nila dahil natulungan nga silang mag-generate ng ganu’n kaingay na publicity.
   
“Natawa at natuwa kami sa lakas ng ingay na dala ng fan-art poster. Sa palagay ba ng basher, basta na lang kami mangungopya nang hindi alam ang consequences? Lawyer ang may-ari ng GMA-7, alam niya ang mangyayari kung nangopya ang network. If we wanted a remake, we buy it!” wika ni Direk Dom.
   
Bukas na, pagkatapos ng Encantadia ang pilot ng Alyas Robin Hood  na parehong inaabangan ng bashers at haters at fans ng cast at ng GMA-7.

* * *

Habang wala pang soap na pagbibidahan, sa comedy show na Tsuperhero muna mapapanood si Gabby Concepcion. Makakasama niya rito sina Derrick Monasterio at Bea Binene na kung hindi kami nagkakamali,  mapapanood ito every Sunday.
   
Kasama rin sa cast sina Alma Moreno, Miggs Cuaderno, Betong Sumaya, Analyn Barro, Jemwell Ventinilla, Valentin at Philip Lazaro. Si LA Madridejos ang director nito, director ng hit na Juan Happy Love Story.

* * *

Back-to-back ang book signing ng mga librong sinulat niya sa gaganaping 37th Manila International Book Fair sa SMX MOA. Mula 2-3 p.m., book signing ni Rita ng libro niyang The Invisible Wings 1 and 2 sa St. Paul’s Booth.
      
Susunod ang book signing niya for her book na Wanna Bet on Love, her first Tagalog novel from  Mindmaster Publishing, 6-8 p.m., sa National Bookstore booth.
   
May mga giveaway  si Rita sa mga bibili ng kanyang libro, kaya bili na and magpapirma. Chance n’yo rin mabati siya ng happy birthday dahil birthday niya sa September 20.